Angel, bubuhayin na ang career

“No make up, No problem”
Ito ang lumabas na post with the picture of Angel Locsin. At nagpapa-suggest ng possible hairstyles.
Magbabalik na ba si Angel Locsin?
Sana! Sana!
Ex Ex nila Jolens, hitik sa screenings
Nakakakaba ang resulta ng pelikulang Ex Ex Lovers nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa sinehan. Kung mga exhibitor ang tatanungin, gusto talaga nilang kumita ito – pero ang magandang sign ay ang mga naka-sked na block screenings at fan meet and greets.
Nang tanungin ko ang estimate nila – ang sabi ay masuwerte na kung maka-P100M ito.
Talaga? Sana talaga kumita ito!
Matteo, nagluluksa rin
Apektado si Matteo Guidicelli sa pagkamatay ni Margarita “Gaita” Fores na kilalang Filipino food ambassador and restaurateur. Nagkasama sina Matteo at Gaita sa travel food show na The Crawl Italy na nag -air sa Metro Channel.
Ang sabi ni Matteo, “Ciao Tita, you will be deeply missed. We shared so many special moments together, and I will always be grateful for your encouragement and motivation, especially in the restaurant business. You were not just a mentor but a true friend - always a joy to be with. You will always and forever be the best!!! You will always be in our hearts! We love you very much! Chin-chin Tita! Rest in peace.”
Maraming-marami pang taga-showbiz ang nag-post ng tribute kay Gaita Fores. Nakakamangha ang kanyang kabaitan. At lahat naging concerned tungkol sa health, lalo pa kung nag-iisa.
Kayo, may kuwentong Gaita ba kayo?
Alex Calleja, gaganti ng cyber libel
As expected, sumagot nga si Alex Calleja sa seryosong paratang sa kanya ng Bubble Gang writer na si Chito Francisco, ang sabi niya, “Hindi ako pumapatol sa mga intriga lalo na kung walang katotohanan. Pero nalungkot lang ako na imbes na matuwa tayo sa tagumpay ng isa eh naghahanap tayo ng negatibo. Ayaw ko po kasi haluan ng negatibong usapan ang comedy, dapat tawa at good vibes lang. Pero etong binabato sa akin ay nakakasira din ng pangkabuhayan ko. Ang mapagbintangan nagnanakaw ng joke.”
Later, makikita pa natin ang inilabas na resibo ni Alex. Kaya ibayong ingat sana sa lahat ng nagpo-post pati na ang online sites, ‘di ba? Mahirap nang ma-cyber libel.
Nakakataquote:
“Post ko lang dito ang carwash joke ko since 2011 na nagawa ko ng writer ako sa Usapang Lalake at Goin’ Bulilit. Sa Goin’ Bulilit kasi, may topic ang bawat gags at carwash ang topic namin. Hindi ata ito nasama sa final draft kaya ginamit ko sa standup at pinost sa social media ng 2011. Check niyo po ang screenshots. Sorry po wala pa ako masyado followers niyan
“Lagi ko ito jinojoke kaya naging paborito ng isang writer din na si Raymond Dimayuga. Nagpapasalamat ako sa pag acknowledge niya sa akin ng 2015 at 2016. Search niyo po sa FB, alex calleja at carwash. Gawin niyo din yun PEP PH.
“Sa mundo po ng comedy writing, kapag may kaparehas o parallel joke ka sa isang comedian, may disenteng paraan po para magsabi ng parehas kayo. Ang tawag po dun ay pribadong usapan tulad ng cellphone at chat. Lahat po ay pwedeng pag-usapan ng pribado at hindi dinadaan sa social media. Hindi ko po alam ang intensyon para sabihan ako na “nagnakaw ng jokes” pero ang nasa isip ko na lang ay ang kasabihang “ang punong hitik sa bunga ay binabato” O, hindi po ako ang original niyan.
“Anyway, ingat po tayo sa salitang nakaw, may cyber libel po tayo at hindi yun joke. Remember, I have a friend...” – Alex Calleja
- Latest