Sikat na chef na si Margarita Fores namatay sa HK!

Margarita Fores

Nakakagulat ang pagpanaw kahapon ng sikat, award winning chef at may-ari ng ilang high-end restaurant sa bansa na si Margarita Forés.

Base sa kanyang mga Instagram story nanggaling si Chef Margarita ng Morocco, Madrid to Hong Kong.

Ayon sa isang malapit sa pamilya, nung nasa HK na raw ay nag-miss ito ng dinner and breakfast kaya ichineck na at doon natagpuan na wala na itong buhay.

 Wala namang ibinigay na detalye ang kanyang anak na si Amado.

Ang tanging post lang nito ay:  “Dear Friends and Family,

“It is with a heavy heart that I share the sudden passing of my Mom, Margarita A. Forés. Our family is mourning this unexpected loss, and we kindly ask for your prayers during this time. We will be able to share more in due time.

“With gratitude, “Amado.”

Two-time cancer survivor din daw si Chef Margarita. Nakatakda raw sanang ikasal ang anak niyang si Amado ngayong taon.

Show comments