^

PSN Showbiz

Leandro, hindi na interesado sa pulitika

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Leandro, hindi na interesado sa pulitika
Leandro Baldemor
STAR/ File

Hindi pa rin handa sa pulitika ang actor na si Leandro Baldemor.

Aniya, ang hirap ng pulitika. Nauna na siyang kumandidatong board member noong 2024 pero sadly, hindi niya raw talaga kaya ang sistema ng pulitika.

“Mahirap ang pulitika ‘pag hindi ka pa handa. Marami ka pang kailangang i-consider. Unang-una, pera, ‘yun ang katotohanan,” umpisa niya kahapon nang makausap namin kahapon.

Inaalok siyang mag-vice mayor sa isang bayan sa Laguna pero ‘yun nga, mas gusto raw niyang tutukan ang kanyang negosyo, isa siyang sculptor, at marami siyang suking mga simbahan kung saan gumagawa siya ng retablo at mga santo. Ganundin ng mga lamp post na made of wood and fiber glass kaya malaki ang kita.

Kasalukuyang napapanood si Leandro sa Ang Himala Ni Niño sa TV5 na layunin na palakasin ang mga halaga ng pamilyang Pilipino sa mga manonood. Bida sa Himala ni Niño ang child star na si Zion Cruz. Kontrabida ang role ni Leandro sa nasabing serye.

LEANDRO BALDEMOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with