Theater actor, nabuntis ang karelasyong aktres!
Nabuntis daw ng isang theater actor na nabigyan ng malaking break sa movies ang GF niyang nagmula rin sa teatro at pinasok na rin ang movies.
Eh break na naman ang actor nang pasukan niya ang theater actress. So wala namang sabit except sa kani-kanilang career dahil kapwa sila promising at magaling umarte, huh!
At kapwa na rin nasa legal age ang dalawa. Ang career nga lang ni girl ang masasakripisyo.
Mukhang Español ang lalaki habang Pinay na Pinay ang babae, huh!
Bianca, sinagot ang intriga
Lumang-luma ang isyung naglabasan kaugnay ng pelikula nina Nora Aunor at Bianca Umali – billing, huh!
Pero sa mediacon ng movie, lumabas umano ang pagiging mataray, huh! To think tinatanong lang ang reaksyon niya!
Overacting, huh! Buti na lang, hindi kami ang nagtanong sa isyung billing or else, Bianca will never hear the end of it!
Mabuti na lang at hindi si Ruru Madrid o babaeng nali-link sa kanya ang involved dahil kung babae, naku, lumabas na ang naturalesa ni Bianca!
- Latest