^

PSN Showbiz

Martin, nag-front act kay TJ

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Martin, nag-front act kay TJ
TJ Monterde at Martin Nievera

Bakit nag-front act ang Concert King Martin Nievera sa concert ng isang baguhang artist? Ginawa ito sa 3rd and last sold-out night ng Sarili Nating Mundo concert ni TJ Monterde na in-award din bilang Billboard’s Number 1 Most Streamed song Palagi with KZ Tandingan and the best-selling solo local male performer in Araneta Coliseum in recent years.

Muli, bakit ginawa iyon ng Concert King – when in fact he could easily been the finale guest; dahil gustong mag-return favor ni Martin kay TJ dahil noong pareho pa silang nasa EMI Records, si TJ ang front act ni Martin sa kanyang mga album promo event. Ang bait lang ‘di ba, at walang-walang ego, ginawa niya para sa inaanak niya (sa kasal) na si TJ.

Ganyan ang puso ni Martin na birthday ngayon, kaya happy birthday, Concert King! More blessings!

Magaling si TJ mag-perform. Swabe at cool lang. Magaling magkuwento at mag-set up ng mga kanta. Kaya naman siguro nabighani rin sa kanya ang Korean singer na si 10CM na kumanta ng kanyang version ng Palagi noong first day, at nagpaunlak ng mga hit niya (from the Korean series theme songs na ginawa niya from the Original Soundtrack (OST) of the popular K-drama series Crash Landing On You, Queen of Tears, Start-Up, Hotel De Luna, The Lovely Runner, and more) at may nakakakilig pa silang collab ni TJ na kantang Silver. At kayanin niyo ito, may sinulat pa siyang kanta na ang title mismo ay TJ Monterde! BFF Love Wins kumbaga! Naks!

At nasimulan na ng mga press na nasa concert ang paghahanap ng kamukha ni TJ Monterde. Obvious namang inilalapit ang look niya kay Jung Kook – pero may mga nagsasabing kamukha o kahawig siya ni Rustom Padilla noong nabubuhay pa siya, si Gio Alvarez, Ryan Bang, pati na ni Sam Concepcion at pati si Gio Gahol na taga-teatro. Puwede silang lahat na magkakapatid, ‘di ba?

Pero si KZ Tandingan, sino ang ka-look-alike? Well with her black hair now, nag-iisa si KZ na napakahaba ng buhok dahil grabe ang papuri at pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya ni TJ. Kaya naman masaya ang mga tao para sa kanila!

Pagkatapos ng major concert ni TJ, lahat ay nakatuon naman sa Always And Forever concert ng Concert King and Queen Martin Nievera at Pops Fernandez sa MOA Arena sa Feb. 7, 40th anniversary ito ng kanilang team-up.

Sanib-puwersa ang tatlong producers – ang Viva Live, DSL Productions ni Pops at si Anna Puno; at collab ng dalawang direktor – Rowell Santiago at Paolo Valenciano with Homer Flores as musical director.

May guest ba sila? Ewan. Kailangan pa ba?

Mapupuno ba nila ang MOA Arena? Tingnan natin. Pero sana naman.

Nakakataquote:

“He (TJ Monterde) is like a seasoned performer who has a swag all his own yet he can get the attention of three Aranetas and his every word is savored by his fans.

“He really is a good storyteller and had great intros to his songs and his voice and singing style is so today. I am very proud of him.”

– Martin Nievera on TJ Monterde, his inaanak

SINGER

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with