^

PSN Showbiz

Drayber, Kontesero at Bombero

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Para sa ilang mga  nagsisimula pa lang sa showbiz, hindi sapat ang mga paglabas nila sa teleserye o pelikula para sa pang-araw araw nilang pamumuhay. (ako ba sapat na sa inyo?!) Kailangan nila ng ibang pagkakakitaan o pagkaka-abalahan tulad na lamang ng tatlong male talents na nakilala namin sa aming youtube show na WTFu. (daming views na mga koya ha! Kaya watch the full episodes!)

Si James Armani ay madalas na kinukuha sa mga teleserye. Minsan may speaking lines, minsan ay wala. (talk to me, bro!)

Tubong Baguio si James at dun nagsimulang sumali sa mga pageant sa eskwela. Nang mapadpad sa Maynila, sumalang sa mga male pageant at bikini contest kung saan madalas ay nakukuha niya ang title o kaya naman pasok bilang finalist. (pasok ka sa puso ko, bro!)

“Dapat may bitbit ka talagang self-confidence kasi ‘di ka makakarampa nang maayos on stage. Kailangan mo rin syempre mag-rehearse para ma-execute mo nang tama ‘yung movements mo, “ pagpapaliwanang ni James. (‘di ako maka-move on sayo, bro!)

Kaya naman kahit na-discover ng isang talent coordinator at nararanasan nang lumabas sa telebisyon at indie films, hindi niya kinakalimutan ang pagrampa. (huwag mo rin akong kalimutan, bro!)

“Ang habol ko talaga ay ‘yung mas magkaroon ako ng confidence sa sarili ko at ‘yung makuha ‘yung title. Malaking tulong din ‘yan kung sakaling palarin talaga ako sa pag-aartista,” paglalahad ni James.

Si Jemson Panes naman ay graduate ng Business Administration pero pag-aartista ang pangarap niya. (parang napanaginipan kita, bro!)

Sa isang taping kung saan nabigyan siya ng role, kinausap daw siya ng isang komedyante. (ay buti na lang dramatic actress ako! )

“Lapit ka rito, sabi niya sa’kin, sarap mong jowain. Parang biro-biro lang nung una. Tapos paulit ulit na siya. Tumanggi na ‘ko sabi ko, hindi ko gusto. Pero mabait pa rin siya sakin, kasi ni-refer niya ako sa kaibigan niya, kaya nakapasok ako sa VivaMax. “ Pag-alala ni Jemson. (ay true love ito?!)

Sasalang sa mga workshops si Jemson para paghandaan ang mapupusok niyang eksena. Pero habang siya’y naghihintay, rumaraket siya bilang driver ng isang bagong drive hailing app. “Daming kumukuha ng number ko. Mabait daw ako. May nagsabi pa sa comment feedback na driver sweet lover daw ako.” (ay baka ‘di na mag-artista ito! chos!)

Ang 23 anyos na si Matt Manaytay ay nagsisimula na rin pasukin ang showbiz. (pasok na pasok na ba, bro?!) Pero hindi niya kalian man kakalimutan ang kanyang pagiging fire volunteer sa San Isidro Galas Quezon City. (hot bombero?!)

“Naisip ko maging fire volunteer kasi passion ko talaga siya. Gusto ko rin kasi mawala ang trauma ko sa apoy kasi nung bata ako nasunugan kami. Saka syempre para makatulong na rin sa tao,” pagbibida ni Matt (awww …helpful si koya!)

Kakatapos lang mag-shoot ni Matt ng isang sexy film, (secret pa raw ang title!) “Pinakita lahat-lahat. Pero syempre naka-plaster. Syempre may restriction ‘yung ka-partner kong babae. “Pero kung ako lang, ok lang naman sa’kin kahit walang plaster, kasi trabaho lang.” (ay gusto mag-work tayo ,bro!)

 

 

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

JAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->