^

PSN Showbiz

Dear Satan ni Paolo, X-rated!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Dear Satan ni Paolo, X-rated!
Sienna at Paolo Contis

Alam n’yo bang in-offer pala kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang pelikulang Dear Satan ng Mavx Films na nabigyan ng X rating ng MTRCB sa unang review nito?

Alam naman nating ingat na ingat si Gary V sa ganitong mga tema at kahit nga sa title lang noon ng kanta at pelikulang Natutulog Ba Ang Diyos? ay kailangang siguraduhing patanong ito!

Curious tuloy ang mga tao kung bakit na-X ang pelikulang ito – na naging usap-usapan sa budget hearing ng MTRCB sa Senado kahapon. May appeal na ba ito for reconsideration? Paano kaya maiiba ang desisyon ng board kung ang mismong head nito ay nagsalita na at na-offend daw ito sa ipinakita ng pelikula?

Babaguhin ba ng Mavx ang pelikula para lang makapasa sa MTRCB? Abangan natin ang susunod na kabanata.

Tapatan sa primetime, pagandahan

Panalo sa ratings ang Batang Quiapo (17.4%) na malayo ang agwat sa naggiyera na Pulang Araw (11.5%)! At panalo rin ang Lavender Fields (9.3% sa pilot nito sa free TV (at sa Netflix) over Widows’ War (9.2%). Wagi naman ang Asawa Ng Asawa Mo (6.8%) over Pamilya Sagrado (5.5%).

Kuntodo promo ang networks, at maganda niyan ay walang kampante. Pagandahan ang labanan. Both sa Netflix at sa free TV.

Basta sana, ‘wag sanang OA – lalo na ang acting. Pang-primetime kasi ito, hindi panghapon, ‘di ba?

Noontime shows, pang-aliw ng mga binaha at binagyo

Nakakatuwa ang pagbabalik ng Kalokalike segment ng It’s Showtime with the Kalokalike nina Ruru Madrid at maging nina Carlos Yulo at Chloe San Jose. Maganda lang at nalawak ang puwede nilang reference at puwedeng i-guest lalo pa’t nagsanib-puwersa ang dalawang networks.

Sa Eat Bulaga, back to basics talaga sila sa barangay with their parlor games – na pagkain ng puto na may wasabi, bawang, sibuyas, sili, atbp. Pero masaya nilang naitatawid ito dahil sa mga host.

Sa Wil To Win naman, bigayan ng instant cash at jacket ang labanan, na minsan hindi mo na kailangang manalo sa game (tulad ng pagkain ng cookie) basta lang madala sa iyong madramang kuwentong buhay si Kuya Willie Revillame ay ok ka na.

Ibang klase ang mga Pinoy ‘no? Ito talaga ang options ng panoorin habang binabaha at binabagyo!

Laufey concert, dinagsa kahit may Enteng

Sa gitna ng bagyong Enteng, puno ang MOA Arena sa hukbo ni Laufey! Congratulations! Sana ganito rin sa local shows na kahit umuulan ay dinarayo ng mga kababayan natin!

Totoo bang aside from the live concerts, major attraction din ang documented concerts na inilalabas sa cinemas? Nangyari na ‘yan kay Taylor Swift sa kanyang Eras Tour, ‘di ba?

Ang balita ay may concert si Jungkook na ipapalabas sa Pinas simula Sept. 18. Tatabo rin kaya ito sa takilya?

Paano kaya ‘yung mga hindi nakakuha ng tickets sa live concert ng Bini sa Araneta Coliseum sa 3 nights sa November, will it be a good idea na i-film ito at ipalabas sa sinehan after? Kikita rin kaya ito – than the usual movies na ipinalalabas sa sinehan ngayon? Magandang eksperimento ito kung sakali.

Nakakataquote:

“I have seen the film. I joined the board. I am offended as a Christian. It is not demonic, but it has a different depiction of Satan becoming good. But Satan will never ever be good.” – MTRCB Chief Lala Sotto on the X rating of the movie Dear Satan

ACTOR

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->