^

PSN Showbiz

Paolo, binira nang gawing Dear si ‘Satan’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, binira nang gawing Dear si �Satan�

Nabuhay na naman ang bashers ni Paolo Contis, dahil sa huli niyang pelikulang nakatakdang ipalabas. Ito ‘yung Dear Satan ng Mavx Productions, na parang may pagka-fantasy at pambata.

Ipinost pa lang nila ang poster at trailer ng naturang pelikula, ang dami nang nag-react at tinuligsa sila dahil sa title nito na bakit daw dini-“Dear” si Satan.

Nakikita naman sa trailer na ang kuwento nito ay sumulat ang batang ginagampanan ni Sienna Stevens kay Santa Claus. Pero sa halip na “Santa” ay “Satan” ang nasulat niya.

Si Paolo ang gumaganap na si Lucifer na nagpakita sa bata para matupad ang hiling nito. Doon nagsimula ang conflict ng gawaing masama sa kabutihan.

Pang-Pasko siya at pambata, kaya marami ang nagsa-suggest sa taga-Mavx Productions na i-submit na nila itong finished film sa Metro Manila Film Festival.

Pinag-iisipan pa ito ng taga-Mavx, dahil pinatawag na nga sila ng MTRCB kaugnay sa poster na inilabas nila. At ang dinig namin kinontra na raw ito ng ilang grupo ng mga pastor.

Pero ang sabi lang ng taga-Mavx, sana panoorin muna nila ang pelikula bago nila husgahan.

Samantala, nabanggit na rin sa amin ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na napansin daw nilang walang may naisumiteng pambata.
Sana raw ay meron talagang full na pambata, na bagay sa Kapaskuhan na sabay na ipinagdiwang ang 50th Metro Manila Film Festival.

Sabi pa ni Chairman Don Artes, “Ako naman ay may tiwala sa ating mga producers expecially ‘tong 50th na naghanda talaga sila na mag-come up with quality movies na i-offer natin sa kanila.”

Sandro, malabo nang makabalik sa trabaho?!

Pumunta si Sandro Muhlach sa Sparkle ng GMA Artist Center para personal na magpasalamat sa suportang ibinigay sa kanya ng naturang talent management arm ng GMA 7.

Pero ayon sa ilang taga-GMA na napagtanungan namin, hindi pa raw nila masabi kung nakabalik na ba sa trabaho ang anak ni Niño Muhlach.

Kailangan pa rin daw ng Psychological treatment, at kung magkaka-show man siya, iniiwasang mapag-usapan ulit itong nangyari sa kanya. Kaya apektado talaga ang showbiz career ni Sandro dahil sa lumalaking isyung ito.

Hindi lang masasakripisyo ang kanyang career, pati na rin ang emotional at physical na aspeto. Ang laking trauma nito sa kanya na hindi pa masasabi kung kailan niya ito malalagpasan.

Samantala, matinding emotional at physical stress din ang nararanasan ngayon ng dalawang independent contractors. Ilan sa mga taga-GMA ang naaawa kay Richard ‘Dode’ Cruz na tingin nila ay nadamay lang sa kasong ito. Pero wala pa namang sinasabi si Dode kaugnay sa mga ibinibintang ni Sandro.

Pinapayuhan nga raw siyang mag-gym na lang para kahit paano mabawasan ang matinding stress. Pero nung minsang nag-gym daw ito, pinagtitinginan daw ito ng ilang nakakasabay niya sa gym kaya umuwi na lang daw siya.

Si Jojo Nones ay  hindi rin daw okay ang kalagayan.

Nung unang gabi niya sa detention ng Senado, umabot na raw sa 170/110 ang blood pressure niya.

Nag-file na raw si Atty. Maggie Abraham-Garduque ng motion para sa release ni Jojo, pero didinggin pa raw ito. Sinisikap daw na mapapirmahan ang release paper dahil long weekend ngayon.

May mga nagko-comment na sa radio program namin sa DZRH na bakit hindi man lang daw na-cite for contempt ang dating Mayor Alice Guo na kitang-kita naman ang pagsisinungaling sa imbestigasyon sa kanya sa Senado na pagkukumpara sa nangyari kay Nones.

Sabi pa sa amin ni Atty. Maggie, “Sa totoo lang, wala naman akong kinakampihan diyan.

“I just represent a client in accordance with the rules, but as a lawyer it is also my duty to protect  my client’s rights. Kahit sino manalo diyan, fine! Basta sa proper forum lang and based on the merits of the case.”

ACTOR

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->