^

PSN Showbiz

Namalisyahan na...Kiko at Sharon, binulaga ng cyber libel si Cristy fermin

TAKE IT TAKE IT! - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Namalisyahan na...Kiko at Sharon, binulaga ng cyber libel si Cristy fermin
Senator Francis Pangilinan and Sharon Cuneta.
STAR/ File

Nanggulat sina former Senator Francis Pangilinan and Sharon Cuneta.

Kahapon nga ng umaga ay nagtungo sa Makati City Prosecutor’s Office ang mag-asawa at nagsampa ng cyber libel complaint laban sa veteran entertainment host na si Cristy Fermin.

Common knowledge ang friendship nina Nay Cristy at Ate Shawie sa showbiz kaya maraming nabulaga sa ginawa ng mag-asawa.

“We filed this dahil sa malicious imputations and defamation of our personal lives.

“Sabi nga namin, yes we are public figures but we also have rights. Eh ang daming nagsasabi na ‘hindi, pag public figure kayo dapat tiisin na ninyo ‘yung pagsisinungaling at paninira’ but that’s not the case. In fact, we also have private rights, lalo na when the matter is not of public interest,” katwiran ng dating senador sa mga reporter na nag-cover kahapon sa Makati.

Inamin naman ni Ate Shawie sa interview na mabigat na hakbang ito para sa kanya, dahil noong 2021 sinubukan diumano niyang makipag-ayos kay Nay Cristy para pag-usapan ang anumang hindi nila pagkaka-intindihan.

Pero dumating na raw sa puntong sobra na at naaapektuhan na ang kanyang mga anak sa mga kuwento tungkol sa kanilang pamilya. “It gets to a point kasi na it affects your children, your family. I lost sleep over it. Kasi kahit hindi totoo, parang siyempre kahit papaano may limang maniniwala,” aniya pa sa ABS-CBN.

Sabi pa ni Ate Shawie, nag-reach out siya kay Nay Cristy. “I reached out to her. I had so much affection for her kasi feeling ko ang tanda na natin, ang tanda ko na. I was only looking for good points. And then after a while, parang suddenly I was shocked may konting lalabas, hinusgahan ka na agad. ‘Di ka man lang tinanong. There’s so much unfairness,” katwiran pa ni Ate Shawie sa lumabas na interview pagkatapos nilang isampa ang kaso kahapon.

Hindi raw siya mahilig sa ganito. Pangalawang beses lang daw niya itong nag-demanda sa 40 years ng career niya.

Grabe raw sama ng loob ang naranasan ng kanilang mga anak dahil sa mga pinag-usapan sa prog­rama nila Nay Cristy.

“Ayoko ‘to eh. Oo artista kami, pero nasasaktan din kami. ‘Pag pinipintasan ako okay lang, pero sumobra na eh,” dagdag pa ni Ate Shawie.

Sinabi naman ni Nay Cristy na bahagi lang ng trabaho ang ganitong mga demanda.

Sabi niya kahapon : “Pataas nang pataas ang mga lebel, ha? Talagang tumataas ang lebel ng demandahan, ha? From Sarah Lahbati to Bea Alonzo. Sharon Cuneta na ang kasunod. Sino po kaya ang susunod? Si Julia Roberts na?” pabirong reaction ni Nay Cristy.

“Basta, naiintindihan natin kung saan sila nagmumula, naiintindihan natin kung saan sila nanggagaling, wala pa po akong masasabi. Wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito. ‘Yan ay kasama po sa ating trabaho bilang mamamahayag,” sabi niya.

vuukle comment

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with