^

PSN Showbiz

Kelvin, inaming na-in love kay Beauty dinasalan ang fasting kaya pumayat...

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kelvin, inaming na-in love kay Beauty dinasalan ang fasting kaya pumayat...
Kelvin Miranda.
STAR/ File

Ang laki nang pinayat ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda.

Ang rason, sinasabayan niya ng dasal ang fasting. “Ang ginagawa ko lang po ay pagpa-fasting at sinasamahan ko ng devotion, like pagdarasal.

“Kung familiar po kayo sa nagra-Ramadan, nagpi-perform sila ng chanting at meditation...” pag-amin ng actor sa isang chance interview the other afternoon.

“At para rin sa kalusugan ko, spiritual and physical.  Inaral ko po talaga siya, parang nagsusunog ka ng karma, frustrations, at marami pang iba.

“Parang kini-cleanse mo talaga at effective talaga siya sa akin,” paglalahad pa ng actor sa kanyang ginawa kaya makikita talaga ang calmness sa kanyang aura.

Kelan pa nag-umpisa ‘yan? “Noong nakabasa ako at nakarinig ng payo sa mga pinsan ko na nagpapa-practice ng Krishna Consciousness.

“Nagpa-practice po ako nun pero Catholic pa rin ako, hindi po ako magpapalit ng religion. Ginagawa ko ‘yun para sa sarili ko at mapalapit sa Creator,” dagdag niya pang kuwento.

Ilang pounds na ang nawala sa ‘yo?  “From 89 to 90kg, ‘yun pinaka-malaki ko, ngayon po nasa 68 to 69 kg na ako, na-reach ko na kasi 62 to 63 kg, pero pag pumayat pa ako, unhealthy na ‘yun.”

Pero hindi lang naman daw lahat fasting : “Sinasamahan ko naman ng exercise, kasama ang meditation at fasting.  Kailangan konektado ang utak mo sa katawan mo, para maka-complete ka ng program, at kailangan talaga ng focus...”

Samantala, aminado si Kelvin na mabilis siyang ma-fall.

Maalalang umamin siyang nagkaroon siya ng feelings kay Mikee Quintos nung ginagawa nila ang Lost Recipe.

“Actually halos sa lahat nagkaka feelings ako, parang sa sobrang pag i-internalize ko or devoted sa project parang nararamdaman ko talaga ang character, kaya kailangan kong mag-break, two to three months, hanggang sa mawala sa sistema ko. Nadadala ko talaga hanggang sa bahay,” kumpisal niya pa.

Ganundin kay Beauty Gonzales. “Kay Beauty may na-feel din naman ako, kasi hindi naman mangyayari na magiging totoo,” pag-amin pa niya.

Sa kasalukuyan ay busy si Kelvin sa promo ng Chances Are, You and I kung saan leading lady niya si Kira Balinger kung saan na-in love rin ang actor.

vuukle comment

KIRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with