^

PSN Showbiz

Sikat at premyadong aktor, may kapatid sa ama na pulitiko

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Isang kaibigan ang nagpakilala sa amin ng isang guwapito ring personality na isa palang pulitiko sa bandang Kabikulan.

Pero bukod sa pagiging pulitiko, lumalabas-labas pala siya sa ilang teleserye na maliit lang ang role.

Tahimik lang siya na sa patuloy naming pagcha-chat through a friend, nahahalata naming meron itong itinatago na gusto na niyang mabunyag.

Bandang huli ay inamin na rin niyang kapatid pala niya ang isang sikat at premyadong aktor.

Nakiusap si male personality kung puwede na huwag na naming paputukin ang balitang ito.

Ayaw na raw nilang magulo ang buong pamilya.

Half-brother nitong si male personality si sikat na aktor pero hindi pa pala sila nagkakilala.

Magkapatid sila sa ama.

Matanda na ang kanilang ama, at ayaw na raw niyang magpakilala pa, para hindi na gumulo ang mga pangyayari.

Masaya na raw itong kanilang ama na nasusu­baybayan ang pagsikat ng kanyang anak.

Hanggang sa nung nakakausap namin itong si male personality ay buo pa rin daw ang desisyon ng kanyang ama na huwag nang magpakilala sa kanyang anak na sikat na aktor.

Hindi pa rin nagkakilala itong si male personality at ang sikat na aktor.

Ipinakita lang niya sa akin ang litrato ng kanyang ama nung kabataan nito.

Talagang kinilabutan ako dahil kamukhang-kamukha ni sikat na aktor ang kanilang ama. Hindi talaga made-deny, mag-ama talaga sila!

Isa nang pulitiko si male personality sa kanilang bayan. Pero nakalabas siya sa isang teleserye kamakailan lang.

Muntik na siyang nakapasok sa isang reality show, pero hindi siya tumuloy dahil sa natuluy-tuloy na ang pagpasok niya sa pulitika.

Kung natuloy siya roon, tiyak na nagkaalaman na at maaring nagkakilala na sila nitong si sikat na aktor.

Sabi ni male personality, hindi raw niya alam kung darating ang araw na magkakilala pa sila ng kapatid niyang sikat na aktor.

Ayaw daw niyang ipilit pa.

Ayaw naman daw niyang isipin ng ibang tao na gagamitin lang niya itong si sikat na actor, lalo na’t meron siyang political career.

Pero sabi ko nga kay male personality, maganda ring magkakakilala na sila, para magkaroon naman ng closure sa kanilang lahat.

Malay natin, baka gusto naman ni sikat na aktor na makilala ang kanyang tunay na ama.

Pero nakalkal ko naman sa Google, may isang item na nagkuwentong nadalaw daw ni sikat na aktor minsan ang kanyang tunay na ama.

Hindi lang daw ito nakilala ng publiko, at patago ang pagdalaw nito.

Pero sabi nitong si male personality, hindi pa raw sila nagkita.

Kiana, pabor na pagpahingahin si Gary V sa malakihang concert

Kagabi ang repeat ng Pure Energy: One Last Time concert ni Gary Valenciano sa SM MOA Arena.

Isa sa highlights ay ang partisipasyon ng anak niyang si Kiana Valenciano na kung saan ay kaka-launch lang ng bagong single niyang Sweet Release.

Si Kiana mismo ang nagsulat nitong kanta kasama ang songwriters na sina Rosemarie Tan at Philippe dela Pena na bumagay sa kanyang unique vocal stylings.

Ang kantang ito ay dine-dedicate niya sa kanyang best friend.

Sabi pa ni Kiana, ngayon daw ay inaaral niya ang style niya sa pop vibe na talagang pinasikat ang iconic style ng kanyang amang si Gary V.

Nagsisimula na rin daw siyang gumawa ngayon ng mga Tagalog songs.

Challenge ito sa kanya, dahil sa English songs naman talaga siya nag-umpisa.

Sayang nga at hindi pa raw niya nagagawan ng Tagalog song si Gary V.

“No, unfortunately, not yet,” pakli ni Kiana.

Hindi pa rin talaga maitatanggi ang pure energy ng kanyang ama na napatunayan naman niya sa huli niyang concert.

Pero kung si Kiana ang masusunod, gusto ba niyang ituloy pa rin ni Gary V ang pagko-concert kagaya nitong sa SM MOA Arena?

Huli na nga ba ito dahil sa One Last Time ang sinabi sa titulo ng concert.

“As inspiring as it is to see him perform like this, I’d like to see him rest,” kaagad na sagot ni Kiana sa tanong namin kung gusto pa rin ba niyang nagko-concert ang kanyang ama.

vuukle comment

KIANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with