^

PSN Showbiz

Oras ng daily show nina Jerald at Joross, nasulot ni Willie

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Oras ng daily show nina Jerald at Joross, nasulot ni Willie
Willie Revillame
STAR/File

Totoo bang macu-cut short ang pagiging daily show ng Barangay Singko Panalo dahil magsisimula nang gamitin ni Willie Revillame ang Novaliches studio ng TV5 na ginagamit nina Jerald Napoles at Joross Gamboa ngayon?

Sayang naman!

Pero totoo bang gagawin itong weekend show at lalo pang bobonggahan kung sakali?

Sana naman!

Ok na ok ‘yan kung nagkataon!

Relasyon nina APL at KC, co-terminus ng pandemya

Nagre-rave si Apl.de.Ap na prominent member ng Black Eyed Peas, released 2 Proud, na joint project niya with K-Pop artist Sandara Park. Napakagandang collab ito na sana masundan pa ng marami pang collabs ni Apl na dating naging close kay KC Concepcion at biglang nawala na lang sa balita noong may bagong boyfriend na si KC na French guy.

Ano nga pala ang nangyari na kina Apl at KC?

Hanggang pandemic lang ba ang naging magkalapit nila?

Magandang gawan ‘yun ng kanta kung sakali ha!

Playtime…, hindi agad napansin

Playtime The Movie soon in Cinemas.

Ang tanong ng masang Pilipino, sinu-sino ‘yung tatlong bilat sa poster?

Hindi nila makilala at mukhang kailangan nila ng nametag.

Saka na lang natin nalaman na sina Sanya Lopez, Coleen Garcia, Faye Lorenzo ‘yun, at si Xian Lim.
All the best sa GMA at Viva Films sa collab na ito.

Ang dagdag na tanong: hindi ba naging option na straight to Netflix itong pelikulang ito?

Ano kaya ang chance nito sa box office?

Good luck!

Direk Carlitos, mas masaya sa pag-arte!

Congratulations kay Direk Carlitos Siguion-Reyna sa pagiging bagong Head ng Cinemalaya Competition and Monitoring Committee habang siya pa rin ang in charge ng Cinemalaya Institute.

Gaano katotoo na mas nae-enjoy na ni Direk Carlitos ang pag-arte kaysa sa pagdidirek – at pagkatapos ng GomBurZa, heto at busy siya sa taping ng Sagrado Pamilya sa Baguio para sa Dreamscape?

Kailan uli natin mapapanood ang obra ni Carlitos bilang Direk?

At tuloy pa rin ba ang pagsusulong nila para maging National Artist ang ina nitong si Armida Siguion Reyna? Abangan!

Nakakata-quote :

“After more than a decade of working for the selection committees and then eventually holding a position of greater responsibility, my years of working for Cinemalaya have been the most fruitful and fulfilling.

“Thank you for the opportunity to be of service to helping find the voices of the new generation of Filipino filmmakers.

“All the best to Cinemalaya in the years to come.

“Maraming salamat at paalam.” – Jose Javier Reyes, Film Development Council of the Philippines chair

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with