^

PSN Showbiz

Panganganak ni Maja, na-fake news

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Panganganak ni Maja, na-fake news
Maja Salvador

Nabiktima rin pala ang aktres na si Maja Salvador ng fake news sa kanyang panganganak sa panganay nila ng mister na si Rambo Nuñez.

Gusto kaagad linawin ni Maja ang kumakalat na fake news tungkol sa balitang nanganak na siya sa kanilang baby girl.

Naglabas siya ng maikling pahayag tungkol dito na inilabas din ng isang showbiz blog site para agad na maitama ang fake news.

Idiniin ng misis ni Rambo na hindi pa siya nanganganak at ipinost pa ang screenshot ng latest ultrasound ng kanilang daughter.

“Hi Guys! Hello Hello from Canada! Some of my friends and family are getting confused because someone shared fake news saying I already gave birth. Just to clarify, this is my latest ultrasound showing that My baby girls hasn’t arrived yet! Thank you,” sey ng Open 24/7 actress.

Siguradong naloka rin siya sa lumabas na fake news na pati ang panganganak niya ay ginawan din ng false information. Kaya buti na lamang ay nagsalita agad siya para ma-inform ang lahat lalo na ang kanyang fans na nakabantay sa kanya.

Samantala, tingin ng netizens ay sa Canada na nito ilalabas ang kanyang baby pero wala pa namang ibinabahagi si Maja tungkol dito.

Ilang buwan na rin kasi mula nang magpunta siya roon na ayon nga sa netizens ay mukhang nag-stay raw ito sa mommy niya.

Maaalalang buwan ng December nakaraang taon nang ianunsyo nina Maja at Rambo ang tungkol sa pagbubuntis nito.

January naman nang kumpirmahin nilang babae ang kanilang panganay sa gender reveal party nito. Bongga.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with