^

PSN Showbiz

Rhian at Sam, nag-ala CLOY!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhian at Sam, nag-ala CLOY!
Rhian Ramos at Sam Verzosa.
STAR/ File

Ang bongga naman nina Rhian Ramos at boyfriend niya na si Sam Verzosa na nagkaroon ng cinematic K-drama moment.

Ibinahagi ng Kapuso actress ang mga litrato nila ng karelasyon kung saan binisita nila ang iconic lake mula sa isang eksena sa K-drama na Crash Landing On You.

Doon ginawa ng bidang Korean actor na si Hyun Bin ang eksena kung saan siya nag-piano bago siya umalis ng Switzerland at narinig ng bidang aktres na si Son Ye Jin.

“Our ‘Crash Landing On You’ moment,” caption ni Rhian na mukhang tinutukan din ang nasabing Korean serye.

Marami ang kinilig sa kanilang mga litrato at napa-sana all na lang sila sa magkarelasyon. Parang Korean star nga raw ang dalawa at bagay na bagay.

Pero malapit na nga kayang mag-propose si Sam sa girlfriend at sa altar na nga kaya ang tuloy nila?

Dennis, ‘di dapat pini-pressure sa sustento ng anak

Ewan ko ba pero hindi ako maka-relate o maka-sympathize sa mga babae na nagpipilit humingi ng sustento sa mga naging tatay ng anak nila.

Gaya ng babae na may anak si Dennis Padilla. Ok lang kung magbibigay o akuin ang responsibilidad. Pero kung ayaw huwag mong ipilit.

First of all consequence ng ginawa mo ang nagkaroon kayo ng anak. Kung babae ka at sa iyo napunta ang bata, responsibilidad mo na palakihin siya. Magtiis ka dahil iyan ang nangyari sa naging relasyon mo.

Hindi mo kailangang humingi ng kahit ano sa tao na hiniwalayan mo na.

Hindi ko tatawaging pride, kundi pagiging practical lang na maging ganun ang feeling mo.

Why bother asking kung ayaw magbigay?

Saka responsibilidad mo na bakit kailangan pang idamay mo ‘yung hindi mo na partner.

Kaya kung ako ‘yung babae na humahabol ng sustento, think twice. Isipin mong mabuti bakit kailangan kang humingi at hindi na lang hintayin kung magbibigay o hindi. ‘Pag meron salamat, ‘pag wala sorry.

Basta huwag isipin na harsh ako sa pag-iisip at walang sympathy sa isang ina na humihingi ng sustento. Gusto ko lang na dapat hindi pini­pilit ang sustento, kusang ibinibigay. Kayo ba, type n’yo na piliting humingi ng pera sa isang taong ayaw magbigay?

Hindi bongga ‘di ba.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with