^

PSN Showbiz

Bading na host, sanay mapasukan ang wetpals!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nakatuwaang paglaruan ng media na invited sa isang get-together ang isang upuan sa isang holding room ng hotel na upuan pero kahoy ang gamit na pangibabaw para masalo ang puwet.

Eh binilig na kahoy ‘yon na pinagsama-sama para kung sakaling may umupo eh hindi naman madidisgrasya ang uupo.

Pero nahuhugot pala ang mga kahoy at hinugot ang isa ng kilalang host na bading. Sabay sabi nito na, “Naku, ‘pag ako umupo, pasok ang kahoy na ‘yan! Kayang-kayang lamunin ng puwet ko ‘yan dahil sanay na ako!” deklara ng bading na host.

Ibig niyang sabihin, sanay na ang bading na host na mapasukan ng matigas na bagay ang wetpals niya, huh!

Halakhakan ang mga bading na kasama sa table ng host!

Tanggap ang ginawa ni Willie...

Walang isyu kay Congresswoman Camille Villar kung pumirma man si Willie Revillame sa TV5 upang doon naman mag-show!

“We remain friends. Naiintindihan ko naman ang ginawa. That’s fine with us,” pahayag ni Cong. Camille sa lunch niya with media.

Ayon kay Cong. Villar, tatanggap din sila ng contents para sa ALLTV. Marami pa silang plano para sa station nila.

Eh sa tanong kung tatakbo ba siyang senador sa 2025, “I still have one term sa Congress. Ayoko munang magsalita. We’ll see,” bitin niyang pahayag.

This Mother’s Day sa Mayo, mas gusto ni Cong. Camille ng simplemg selebrasyon kasama ang asawa’t anak.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with