^

PSN Showbiz

Angeline at Nonrev kinasal sa Quiapo Church, apat na anak ang plano!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angeline at Nonrev kinasal sa Quiapo Church, apat na anak ang plano!
Nonrev Daquina at Angeline Quinto

Sa Quiapo Church nagpakasal kahapon sina Angeline Quinto at long-time partner na si Nonrev Daquina. At dinaluhan ito kaibigan niyang celebrities like Vice Ganda, Sarah Geronimo, at marami pang iba.

Nauna nang nabanggit ni Angeline sa aming interview na magiging masaya raw siya kung masusundan ang kanilang anak na si Sylvio.

“Well, may mga nagtatanong sa akin kung gusto kong sundan si Sylvio, ang gusto ko talagang anak, tatlo o apat.

“Kasi ako naranasan kong lumaki na mag-isa eh. Na hindi ko kasama ang mga kapatid ko, so malungkot. Wala kang napagsabihan ng mga problema mo,” paliwanag pa ni Angeline.

Samantala, isang sorpresang awitin ang inilabas ni Angeline Quinto na pinamagatang Salamat Ika’y Dumating para sa kanilang kasal ni Nonrev Daquina ngayong araw (Abril 25) sa Quiapo Church.  

Si Angeline mismo ang sumulat ng wedding song kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siya ring nagprodyus ng kanta sa ilalim ng Star Music.  

Tulad ng titulo nito, tungkol ang love song sa pagpapasalamat ni Angeline sa pagdating ni Nonrev sa buhay niya. 

Inawit ang kanta ng Philippine Madrigal Singers para sa espesyal na wedding march nina Angeline at Nonrev.  

Ito na ang inaabangang comeback single ni Angeline na sinundan ang kanyang bersyon ng Pagbigyang Muli para sa seryeng Linlang at Piliin Mo Ang Pilipinas para sa Drag You & Me na nilabas noong nakaraang taon. Naglabas naman siya ng awiting Nag-iisa Lang para sa kanilang anak ni Nonrev na si Sylvio taong 2022. 

Kasalukuyang napapanood si Angeline sa papel ni Sarah Angeles sa teleseryeng What’s Wrong With Secretary Kim?  

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with