^

PSN Showbiz

Joshua, nakita ang pagbabago ni Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, nakita ang pagbabago ni Julia
Joshua Garcia at Julia Barretto

Muling magkakatambal sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa pelikulang Un/Happy For You. Kinabahan umano ang aktor nang kunan ang isang eksena para sa look test ng bagong proyekto mula sa Star Cinema. “Kinakabahan na ako. Kanina may ginawa kaming scene. Kinakapa namin ulit ‘yung isa’t isa kahit na ang tagal naming magkatrabaho before. I think baby steps and dadating kami doon pagdating ng shoot. Tingnan natin,” nakangiting pahayag ni Joshua.

Taong 2016 nang unang nagkatambal sina Joshua at Julia. Mula noon ay talagang kinakiligan na ng mga tagahanga ang tambalan ng dalawa. Naging magkasintahan ang JoshLia at nakumpirma ang hiwalayan noong 2019. Ayon kay Joshua ay malaki na raw ang ipinagbago ni Julia bilang isang aktres. “Nakita ko noong nag-scene kami, parang iba na rin ‘yung atake niya ngayon kaysa atake niya before,” pagbabahagi ng aktor.

Si Petersen Vargas ang direktor ng naturang pelikula. Nasubaybayan umano ng direktor ang mga proyektong pinagtambalan nina Julia at Joshua noon. Para kay direk Petersen ay siguradong ikatutuwa ng tambalang JoshLia na muling mapanood ang mga idolo sa isang pelikula.

RJ, binibitbit ang anak sa mga gig

Nakakasama na ni RJ Jimenez ngayon ang panganay na anak na si Ellie sa mga gig na ginagawa. Ayon sa singer ay nakitaan din niya ng talento sa pagkanta ang anak. “If my daughter wants to pursue a musical career, I’m all in. If you have ta­lent, that talent does not come from you. You don’t own that, pahiram ‘yan ng Diyos sa ‘yo. You have to share it as much as you can,” makahulugang pahayag ni RJ.

Unang nakilala ang singer nang maging Scholar sa unang season ng Pinoy Dream Academy noong 2006. Si Yeng Constantino ang tinanghal na Grand Star Dreamer noon. Hindi man masyadong aktibo sa telebisyon ay kabi-kabila naman ang ginagawang proyekto ni RJ. Bukod sa pagkanta sa events ay marami ring naisusulat na kanta si RJ para sa musical plays, radyo, telebisyon at pelikula.

Dalawa na ang anak nina RJ at Tin Jimenez. Sinisikap umano ng singer-composer na balansehin ang oras para sa pamilya at kabi-kabilang trabahong ginagawa. “It’s a matter of knowing your priority, kung ano ‘yung kailangang unahin. Create memories that won’t fade,” giit ng singer-composer. Reports from JCC

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with