^

PSN Showbiz

Kim, ayaw tantanan ang lovelife!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim, ayaw tantanan ang lovelife!
Kim Chiu

Naloka naman ako sa nangyayari sa personal life ni Kim Chiu.

Para bang after ng Xian Lim chapter lahat na lang ng mapalapit kay Kim Chiu ginagawa nang big deal.

Like ng Paulo Avelino episode, at ngayon naman ‘yung lawyer from Cebu.

Hayaan muna nating makahinga mabuti si Kim sa breakup niya bago natin i-pressure sa bagong lovelife.

Ang ganda pa naman ngayon ng transformation niya from long hair to short. Ganyan dapat ang artista, may pagbabago lagi sa looks para naman makita ang iba ibang personality.

Bongga, Kim Chiu, go go and have a good time, deserve mo iyan, promise.

JK, Deja Vu sa gf na beauty queen!

All-out ang support ng singer-actor na si JK Labajo sa kanyang girlfriend na si Dia Mate na Cavite representative sa Miss Universe Philippines na gaganapin ngayong taon.

Nanawagan nga ito ng suporta para sa kanyang beautiful bebe.

Pero matapos ang kanyang post ay nagkomento rin siya ng “haha deja vu” na nakakuha ng 16k HAHA reactions.

Maaalala kasi na naging karelasyon din niya ang beauty queen na si Maureen Wroblewitz na naging kandidata at nagwaging 1st runner-up sa Miss Universe Philippines 2021.

Kaya naman natawa ang netizens dahil ganitong-ganito rin daw ang ERE singer noon sa dating karelasyon.

Kinaaliwan pa siya dahil baka raw mabalita na naman ang komento niya na hindi nga siya nagkamali dahil nag-trending iyon.

Magwagi rin kaya ang bagong girlfriend niya? Bongga.

 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with