^

PSN Showbiz

Dedma sa pagpapa-cute ng female personality...pulitiko, ‘di gumana ang paghahabol-habol sa pinopormahang private girl!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Tinabla raw ni guwapong politician si female TV personality na matagal nang may gusto sa kanya.

Sa pagkaalala ko, na-link sila noon pero ipinagkibit-balikat lamang daw ito ni guwapong politician. Hindi yata talaga type ni guwapong politician dahil kahit anong paramdam daw at pa-cute ni female TV personality sa kanya, dedma lang si politician.

Ang latest na narinig namin, may ibang pinopormahan si guwapong politician.

Magandang girl daw ito na kilala sa isang malaking unibersidad.

Anak siya ng isang common friend na nagparating sa aming hinahabol-habol daw ni guwapong politician itong si girl.

Kaya lang, hindi naman daw siya type ni girl.

Dumating na raw sa puntong umiiwas na si girl dahil dahil ayaw daw niya talagang ma-link kay guwapong politician.

Mas gusto raw niya ng tahimik na buhay at iniiwasan niyang ma-link sa kilalang tao, dahil gusto raw niyang mapanatili ang pribadong buhay.

Kaya ang kinakanta raw nina guwapong politician, female TV personality at si private girl ay ang kanta ni Sharon Cuneta na Mahal Kita, Mahal Mo Siya, Mahal Nya Ay Iba.

Rita, sinagot ang pagpapabawas ng bobey!

Tuluy-tuloy na ang pagpayat ni Rita Daniela, pati ang malulusog niyang bobey at napansin na naming lumiliit.

Agree naman si Rita nang nakatsikahan namin sa contract signing niya bilang isa sa brand ambassadors ng iSkin Aesthetic Lifestyle na merong clinic sa 2nd floor ng Air Mall sa Makati City.

Aniya, “Actually nung una na napansin ko na medyo nagbawas, nalungkot ako.

“Nanibago ako e. Kasi siyempre, kahit nung dalaga ako ay sanay na ako na may konting weight ‘di ba?

“So sabi ko, ‘a ito pala ‘yung feeling na sinasabi nila na ‘pag naging nanay ka na, tapos ‘di ba nagpa-breastfeed ka, tapos after nu’n ‘pag medyo matatapos na, mababawasan talaga siya.”

Itinanggi niyang nagpabawas siya ng malulusog na dibdib.

“Again ako talaga ay super fan of natural beauty. So, hindi ko talaga tatahakin ‘yung landas na ‘yun.

“Hayaan n’yo na siya. Tahimik lang sila, nagna-nap lang sila diyan. Huwag na natin silang pakialaman,” pabiro niyang pahayag at may pasulyap sa malulusog niyang dibdib.

One year and four months na raw ang kanyang anak na si Uno, kaya nakakapagsimula na raw siyang mag-diet na may pagka-intermittent diet daw ang ginagawa niya.

Okay naman ngayon si Rita sa setup na co-parenting sila ng ama ng kanyang anak.

Wala naman daw silang problema sa hatian ng gastusin para sa kanilang anak. At okay daw sila para lang sa kanilang anak.

Ang drama series na Widows’ War ang bale pagbabalik niya sa acting pagkatapos niyang manganak.

Gustung-gusto niya ang co-actors niya rito, at nilinaw na hindi siya ang ipinalit kay Gabbi Garcia.

Wala na kasi si Gabbi sa naturang drama series dahil sa conflict sa schedule. Pero hindi raw ang role ni Gabbi ang ibinigay sa kanya.

Maganda raw ang role niya rito na may pagkamisteryosa bilang si Rebecca Palacios.

Bukod kay Rita, pumirma rin bilang brand ambassadors ng iSkin Aesthetic Lifestyle ni Ms. Kate Pagkalinawan ang iba pang promising Sparkle artists na sina Olive May na dating miyembro ng Calista, ang hunk na si Brent Valdez at ang beauty queen ng Sorsogon na si Rein Hillary.

vuukle comment

POLITICIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with