^

PSN Showbiz

Joshua at Julia, balik-tambalan sa Un/Happy!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joshua at Julia, balik-tambalan sa Un/Happy!
Julia at Joshua
STAR/File

Ito ang reunion na hindi inaasahan ng lahat.

Patunay ang dating magkasintahang sina Joshua Garcia at Julia Barretto na pwedeng magkatrabaho ang mga pusong dating nagmahal dahil muli silang magtatambal para sa pelikula ng Star Cinema at Viva Films na Un/Happy For You, ngayong 2024.

Sa bagong movie alert na ipinalabas ng Star Cinema, sinabi nina Joshua at Julia na pareho silang excited na magkatrabaho muli dahil pareho na raw silang nag-mature.

“At some point, you know, when a good material comes along with a great team, it is such an exciting idea. It is already the right time. We are both in a good place in our lives,” ani Julia. Dagdag pa niya habang nakatingin kay Joshua, “I am happy na magtatrabaho tayo ulit.”

Ibinahagi rin ni Julia na pagkatapos ng kanilang reunion ni Joshua sa Paubaya music video ni Moira dela Torre, nakatanggap sila ng offers na muli silang pagsamahin ni Joshua sa isang proyekto.

Ayon naman kay Joshua, agad siyang sumang-ayon na gawin ang pelikula.

Ani ng mga manunulat ng pelikula na sina Kookai Labayen, Crystal San Miguel, at Jen Chuaunsu, hindi tipikal na kuwento tungkol sa mga mag-ex ang Un/Happy For You, kundi isa itong kuwento na malapit sa mga pusong nagmahal at nasaktan.

Samantala, isang karangalan naman daw para kay Petersen Vargas na mapiling direktor ng isang JoshLia movie.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with