^

PSN Showbiz

Aktor, umabot sa daliri sa paa ang romansa sa sexy star!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasobrahan ng isang male sexy star ang romansa nito sa may pa­ngalan nang sexy star nang magsama sila sa isang movie.

Eh nang sabihan daw ng director si male star na simulan na niya ang romansa sa kapareha, iniwasan lang nito na halikan ang dibdib ng babae.

Habang umaarte na may kasamang halinghing si female star, si lalaki naman ay unti-unting bumaba pero hindi naman kinunan ang “flower” ni girl!

Nadala yata sa eksena si male star. Kaya ‘yung pagbaba niya sa female star, umabot hanggang sa daliri sa paa ni girl!

Nang idilat ni female sexy star ang mata, nakita na lang niya na si boy, kinakain na mga daliri niya sa paa, huh!

Sumigaw si sexy star ng, “Cut!” at saka bumangon at humingi ng alcohol sa staff!

Napagalitan tuloy si male sexy star ng director sa ginawa niya sa kapareha! Sumobra raw kasi siya sa romansa, huh!

Lods, nagbabalik!

Nagbabalik si “Lods” sa Regal movie na Bantay-Bahay.

Sumikat si Lods sa pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Si Lods ay walang iba kundi ang magaling na aktor at stage actor na si Pepe Herrera.

Ang director ng movie ay si Joey Reyes at tinatapos lang muna ni Pepe ang isang stage play then tutulong sa promo ng bagong movie.

O, samahan ninyo si “Lods” bilang tagabantay ng bahay, huh!

vuukle comment

MOVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with