^

PSN Showbiz

Ang pag-shoot ng bola napunta sa pag-shoot ng Vivamax

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Gusto talaga ni Elmo Elarmo na maging professional basketball player, bilang 6’1’’ ang height nya at naging varsity player nung nag-aaral pa sa Trinity University of Asia. Pero sa showbiz sya napadpad. (patingin nung bola, bro!)

Una nyang sinabakan ang pagsali sa mga male pageant at bikini contest.  (magaling ako maglaba ng gamit nang bikini!)

“Yung mga kaibigan ko kasi sumasali sila sa mga pageant. Sila ‘yung nag-encourage sa’kin na i-try ko rin.” Pag-alala ni Elmo. (nasaan sila? tropahin ko!)

Inaral daw nyang mabuti kung paano nya gagawin ang raket na ito hanggang sa nakarir nya.  (karirin kita, bro!)

“Hinanda ko talaga ‘yung katawan ko dun.  ‘Pag pinaghandaan mo naman, magiging confident ka, magiging ok ka. “Pagbibida ni Elmo. (handa na ang puso ko sa’yo, bro!)

Hindi nagtagal, umeekstra na sya sa mga teleserye at indie film. Hindi na rin nya pinalagpas ang opportunity na maging talent ng Vivamax.  (ratsada agad si koya mo!) “Na-disco-ver ako ni Tito Jojo Veloso, pinag-audtion nya ako. Tapos dinala nya ako sa Viva para sa Vivamax. “(dalhin kita sa aking palasyo, bro!)

Nagulat lang sya sa kanyang unang proyekto sa naturang streaming app, dahil love scene ito sa kapwa actor na si Josef Elizalde. “Ang role ko dun ay masahistang bading. Wala namang kissing scene. Pero may mga maselan kaming eksena, lalo na ako kasi ako ‘yung bading dun. “(ay pag tayo magka-eksena i-request ko ‘yung kissing scene!)

Naka anim na series na sya sa Vivamax, (may mga girls naman na kaeksena!)  at nakadalawang pelikula para sa Viva. Lahat ng ‘yan kinailangan nyang magpakita ng katawan. (at ng behind daw ha!)

“Kakabahan ka talaga sa first bed scene mo kasi baka mabastos mo ‘yung partner mo. Pero professional lang dapat. Mag-uusap muna kayo kung ano ‘yung bawal, para maging maingat ka. “Pagpapaliwanag ni Elmo. (ingatan mo ko, bro!)

Sa kanyang guest appearance sa aming youtube channel na WTFu, sinabi ng 31 anyos na Marketing Management graduate, ipinagpapasalamat nya ang mga dumarating na mga trabaho sa kanya. Umaasa sya na makagawa rin ng mga proyektong hindi sya magpapa-sexy. “Kung ako tatanungin, action talaga ‘yung gusto. Natry ko kasi mapasama sa pelikulang Mamasapano. Militar ako dun. Kahit mahirap, na-enjoy namin. “(naka-ilang putok ka dun.. ng baril!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe.Patre-on: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

VIVAMAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with