^

PSN Showbiz

Gary V, handang-handa na sa ‘One Last Time’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gary V, handang-handa na sa �One Last Time�
Gary Valenciano

Panibagong career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano matapos pumirma bilang official artist ng Star Magic kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-40 na taon sa industriya.

 Labis ang pasasalamat ni Gary sa patuloy na tiwala ng ABS-CBN nang mapabilang siya sa Star Magic. Para sa kanya, isa umano itong ‘reinvention’ ng kanyang sarili matapos ang apat na dekada sa showbiz.

 Nais naman ni Gary na sa pamamagitan ng Star Magic ay magsilbi siyang inspirasyon sa kabataan.

Maliban dito, inamin din ni Gary na bukas siya sa pag-aarte muli sa harap ng camera. 

Sa loob naman ng 20 taon, nagsilbing Kapamilya si Gary bilang multi-awarded host at performer sa longest-running musical variety show sa bansa na ASAP Natin ‘To, pati naging boses sa likod ng mga theme song ng mga hit teleserye.

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon niya sa paghubog ng bagong hene­rasyon ng Kapamilya performers nang magsilbing celebrity mentor at judge sa talent shows na X Factor Philippines, World of Dance Philippines, Your Face Sounds Familiar, Idol Philippines at Tawag ng Tanghalan. 

Kasabay sa kanyang milestone bilang Kapamilya at panibagong Star Magic artist, lalarga naman si Gary V sa kanyang bigating solo concert na Pure Energy: One Last Time, ngayong April 26, 27, 8 p.m. sa SM Mall of Asia Arena.

Magkakaroon din ito ng dagdag pang show sa May 10.

Para makabili ng tickets, bumisita sa smtickets.com o i-contact ang [email protected] para sa ibang katanungan.

 Samantala, kasama ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan Valenciano pati ang mga anak na sina Paolo at Kiana, pinasinayaan naman nina ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, at manager na si Alan Real ang naganap na pirmahan.

Personal ding nag-abot ng kanilang pagbati sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak at chairman Mark Lopez bago ang pagsisimula ng event.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with