^

PSN Showbiz

Kristine, may katuturan lang ang gustong gawin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kristine, may katuturan lang ang gustong gawin
Kristine Hermosa

Mainit na tinangkilik ng mga tagahanga ang tambalan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa mga teleserye at pelikula mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas. Hu­ling nagkatambal ang dalawa sa Sana’y Wala nang Wakas noong 2003. Ayon kay Kristine ay walang magiging problema sa kanyang panig kung muli silang magkakatrabaho ng aktor.

Suportado rin umano ng asawang si Oyo Sotto ang lahat ng mga ginagawa ng aktres. Walang magiging problema sa mag-asawa kung sakali mang magkatambal muli sina Kristine at Jericho sa isang proyekto.

Noong Pebrero ay naibahagi ni Kristine sa publiko sa pamamagitan ng Instagram post ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa ika-anim nilang anak ni Oyo.

Para sa aktres ay kinakailangan talagang maganda at makabuluhan ang kanyang magiging comeback project. “Basta ‘yung magandang project, ‘yung may katuturan,” giit pa ng aktres.

Randy, walang planong mag-retire

Mag-aapat na dekada nang aktibo sa show business si Randy Santiago. Hindi raw nakikita ng singer na magreretiro sa pagkanta sa mga susunod na taon. “No, no retirement. I’m saying that I’m getting old. I’ll be turning 64 (years old) and of course ‘yung nakasanayan nilang galaw ko eh siyempre hindi naman magandang kumakanta pa akong may edad na ako pero gano’n pa rin ‘yung galaw ko. Hindi naman po,” paliwanag ni Randy.

 Para sa singer ay gagawin pa rin niya ang lahat ng makakaya para sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya. Posibleng maging bahagi si Randy sa napaba­balitang bagong programa ng kaibigang si Willie Revillame sa TV5. Ayon sa nakilalang Mr. Private Eyes ay sa likod ng kamera naman siya magtatrabaho ngayon. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

KRISTINE HERMOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with