^

PSN Showbiz

Legs ni Elisse, pinag-initan ng bashers

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Legs ni Elisse, pinag-initan ng bashers
Elisse Joson at Paolo Contis

Grabe ang ilang netizens kung makapag-bash na akala mo ang perfect nila.

Nabasa ko sa isang blog na talagang pinagdiskitahan nila ang legs ni Elisse Joson.

Pinik-ap kasi ang IG story ni Paolo Contis na kuha nilang dalawa ni Elisse.

May sisimulan silang pelikula under Mavx Productions na isang simpleng love story lang daw ito.

Nag-look test na sila kamakalawa lang at ipinost ito ni Paolo.

Napansin ng ilang netizens na parang merong mali raw sa legs ni Elisse.

May ilang binuweltahan din ang basher na ito na akala mo pagka-perfect perfect kung makapansin sa binti ng iba.

Basta lang meron silang mai-comment at mapansin sa ibang artista.

Hindi na nanibago si Paolo sa mga sinasabi ng ilang ba­shers, pero nagpapasalamat naman siya sa magagandang feedbacks na natatanggap niya, dahil sa magaling niyang pagganap sa A Journey na nasa top 10 trending pa rin ngayon sa Netflix.

Sabi nga ng ilang taong malapit kay Paolo, sana mapagod na raw itong bashers sa katitira sa Kapuso actor.

At sana mas mapansin naman daw ang magaganda niyang ginawa.

Kaya natuwa ang Mavx, binigyan uli si Paolo ng isa pang pelikula.

Si Elisse ang makakasama niya rito, at kukunan daw ang kabuuan ng pelikula sa Bicol.

Maraming magagandang tanawin sa Legaspi at Sorsogon na magiging location ng pelikulang gagawin nila ni Elisse.

Wala pa raw silang napiling magandang title, pero si Noah Tonga raw ang magdidirek nito.   Nagpaitim na nga ng buhok si Paolo para sa pelikulang ito.

Derrick, tumibay ang relasyon kay Elle

Natapos na ang taping ng Makiling nung nakaraang linggo at wala na itong extension.

Pero consistent pa ring mataas ang rating at sa trailer pa lang nito kahapon ay naka-1.8 million views na wala pang isang araw.

Kaya proud si Derrick Mo­nasterio dahil ang laki raw ng nagawa nito sa kanyang career at lovelife.

“Grabe ‘yung values na ibinigay sa akin nung show saka na-develop talaga ako bilang aktor sa show na ‘yun,” pakli ng Kapuso hunk nang nakatsikahan ito sa media conference ng pelikula nilang G! LU na magsu-showing na sa mga sinehan bukas.

Malaki rin ang nagawa nito para lalong tumibay ang relasyon nila ni Elle Villanueva.

Seryoso na nga raw siya, lalo na’t ang laki ng ipinagbago niya magmula nang naging sila ni Elle.

Si Elle na ang babaeng gusto niyang pakasalan, pero kailangan pa raw niyang mag-ipon at kailangang stable na talaga siya.

Botong-boto rin daw ng Mommy niyang si Tina Mo­nasterio kay Elle, at nagtatanong na nga raw kung kailan na siya magkaapo.

Boto nga raw ang Mommy niya kay Elle na gusto raw niyang maging manugang.

Pagkatapos ng Makiling ay isusunod ni Derrick ang Pulang Araw na gustung-gusto rin niya ang role niya rito.

Hindi ganun ka-major ang partisipasyon niya sa Pulang Araw, pero gusto raw niya ang role.

“Actually ang ganda ng role po kasi, kaya ko po siya kinonsider. Kasi, singer ako dun, e, sa Pulang Araw.

“Na ako ‘yung parang celebrity nung panahon na ‘yun. Kasi pinupuntahan ako ng mga tao para makalimutan nila ‘yung problema nila.

“Kasi panahon ito ng giyera, ‘di ba? So lahat, stressed. Pupunta sila roon, papakinggan nila akong kumanta, mawawala ang stress nila,” masayang kuwento ni Derrick Monasterio.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

ELISSE JOSON

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with