^

PSN Showbiz

Miles at Elijah, naglambingan buong weekend!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Miles at Elijah, naglambingan buong weekend!
Elijah Canlas at Miles Ocampo at mga kaibigan.

Nagkabalikan na ba sina Elijah Canlas at Miles Ocampo?

Love is lovelier the second time around nga ba?

Ayon sa mga nakakita sa kanila sa Bale, Pampanga kung saan idinaos ang isa sa birthday celebrations ng manager ni Elijah na si Erickson Raymundo, napaka-sweet at magkasama lagi ang dalawa on a weekend ha.

Magandang malaman na nagkaayos nga ang dalawa at bukod du’n pareho silang umaariba sa kanilang respective careers.

Sarah, itatapat kina Kathryn at Alden?!

Kung may Vice Ganda at Kathryn Bernardo with Alden Richards sa Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2024, sino naman kaya ang itatapat ng Viva? Balitang naghahanda ng materyal para kay Sarah Geronimo, totoo ba?

At alam niyo naman ang Viva, hindi lang ‘yan sumusubok sa isa, marami ‘yang bala – para kung sino ang pumasok, todo suporta ito! Kailangan ding bumangon sa naging final ranking ng pelikulang Penduko ni Matteo Guidicelli kasi.

Kung may Sarah sa Viva, at may Nadine Lustre pa silang alas, sino naman kaya ang sa Regal, si Lovi Poe ba?

Basta pagandahan ng project na lang, ‘di ba?

Bitoy-Vice collab, may pag-asa pa?

Hindi totoong magtatapos na ang Pepito Manaloto! ‘Yan ang diretsahang sinabi ni Michael V pagkatapos umugong ang kung anu-anong balita na matitigbak ito sa ere pagkatapos itong mag-post ng photo na sama-sama sila.

Ang sabi’y ang tagal-tagal nilang hindi nagsasama-samang buo, bakit kaya?

Baka bagong budget ito para sa bagong season – dahil balita namin may bagong characters na papasok sa sitcom.

At malamang, sa nakaraang network contract signing ni Bitoy sa GMA ay kasama talaga sa package niya ang Pepito Manaloto, ‘di ba?

Pero teka, speaking of Bitoy, ngayong nag-announce na si Vice Ganda ng pelikula niya with Direk Jun Lana, tuloy pa ba ang dapat pagsasamahan nilang pelikula? Sana!

Jhong, mas pinili ang MMFF kesa pulitika!

Klinaro pala ni Jhong Hilario na pahinga na muna siya sa pulitika kaya malayang-malaya siyang gumawa ng pelikula with Vice Ganda for this year’s Metro Manila Film Festival hopefully.

Totoo bang pati anak niya ay kasama sa pelikulang And The Breadwinner Is… ni Jun Lana? Maganda if ever na captured ang buong family market, ‘di ba?

Sinu-sino pa kaya ang makakasama ni Vice sa landmark film na ito?

Kaabang-abang!

Award-winning show exec, pinagtawanan ang ka-cheapan!

Cringe moment pero hindi nagpapahalata ang mga kasamahan sa trabaho ng isang boss na bida-bida!

Bakit kaya siya nagbida-bida complete with pabibong coverage at thank you speech when in fact ang dapat na bigyan ng parangal ay ang mismong mga tao na bumuo ng award-winning show?

Lagi na lang pabida ang boss na ito na pinagtatawanan na sa likod niya dahil mistulang sabik sa limelight.

Pero kung ikukumpara naman ang achievements niya sa katapat niyang boss, salat siya sa pagka-world class.

Ang tanong: kailangan ba talagang may kumpetisyon sila ng mismong ka-istasyon niya?

Nakakata-quote:

“Ramdam na ramdam ko ang kaligayahan ng puso mo... napakasaya ko para sayo mahal kong Cindy.” – Judy Ann Santos-Agoncillo to Angelica Panganiban (and Cindy was her character name in their movie Ang Dalawang Mrs. Reyes)

vuukle comment

ACTRESS

ELIJAH CANLAS

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with