^

PSN Showbiz

Ala-Kathniel/Lizquen David, pangarap magka-pelikula sa Star Cinema

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ala-Kathniel/Lizquen David, pangarap magka-pelikula sa Star Cinema
David Licauco
STAR/ File

Ilang taon nang aktibo si David Licauco sa show business bago pa tuluyang makilala bilang isang aktor sa teleser­yeng Maria Clara at Maging Sino Ka man ng GMA network. Matatandaang unang sumikat ang binata bilang isang basketball player halos isang dekada na ang nakalilipas. Nakilala rin si David bilang isa sa mga underwear model ng Bench noon.

Ayon sa model-actor ay tumigil na siya sa pagpapaseksi para sa naturang brand. “Saktuhan lang tayo. Siyempre masaya tayo na iniidolo nila ako. Wala namang pressure, hindi ko iniisip ‘yung mga gano’ng bagay. Nagbago na tayo ngayon. Dati kasi, sinasadya kong maging gano’n, kasi akala ko ‘yon ‘yung maangas. Pero ito naman talaga ako, mahiyain talaga ako na person,” nakangiting pahayag ni David.

Simula ngayong Miyerkules ay mapapanood na sa mga sihenan ang ‘G! LU!’ Kasamahang bida ni David sa naturang barkada movie sina Teejay Marquez, Enzo Pineda, Derrick Monasterio, Kiko Estrada at Ruru Madrid.

Nakagawa na rin ng ilang karakter ang binata sa mga pelikula noon. Matagal na raw pinapangarap ni David na makapagbida sa isang proyekto mula sa Star Cinema. “Ang dream ko talaga is magkaroon ng Star Cinema movie. ‘Yon ‘yung dream ko. Siguro para magkaroon sila ng interes sa akin, siguro kailangan ko pang pagbutihin pa ‘yung pag-acting ko para balang araw. Gagalingan ko dito so that I can at least submit a case for them na tipong, ‘Hey! Maybe you can try me out as one of your actors sa Star Cinema,’” pagbabahagi ng binata.

Aminado si David na talagang pinapanood niya ang magagandang pelikula ng naturang film outfit ng ABS-CBN. Tagahanga umano ang aktor ng ilang pinakasikat na tambalan ng Kapamilya network noon. “Alam ko naman na may GMA Pictures pero I grew up watching Star Cinema (movies). Fan ako ni Kathryn (Bernardo) at Daniel (Padilla), ng LizQuen (tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil). Of course, I want to do a GMA film but ‘yon lang talaga. Do’n ako lumaki, nanonood ako ng Star Cinema,” pagtatapat ng Kapuso actor.

Andi, ramdam na kinakaya ng mga anak ang pagkawala ni Jaclyn

Ipagpapaliban muna nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang kanilang pagpapakasal. Matatandaang nag-propose ang surfer sa aktres noong 2020. Para kay Andi ay hindi na muna dapat madaliin ang kanilang pag-iisang-dibdib ni Philmar dahil sa pagkamatay ng inang si Jaclyn Jose kamakailan. “Honestly, we wanted to get married this year. But under the circumstances, we decided to wait a bit. It was supposed to be for mom. Slowly, I hope I will get there. But I know she is proud, she loves me and her grandchildren. So, I will focus on the good things, and my family,” paglalahad ni Andi.

Mayroon ng dalawang anak ang aktres at si Philmar. Unti-unti na umanong nasasanay ang mga bata na hindi na nakikita at nakakasama ang lola. “It’s touching, my two younger children without having to explain, they understand the situation. We always go to Manila, so they always look for ‘Nanay.’ They really wondered. But now I think they understand now. Which is weird, since they are so young,” kwento ng aktres.

Labingdalawang taong gulang na ngayon ang anak nina Andi at Jake Ejercito na si Ellie. Ayon sa aktres ay talagang kinakaya ng panganay na anak ang pagkawala ni Jaclyn sa kanilang buhay. “I am proud of Ellie, she has a deeper understanding. I know she is grieving and is sad, but she is very strong. It is nice to see and hear the things she says to remember my mom,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

DAVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with