^

PSN Showbiz

Jayda, umaasang magiging friends ulit sila ni Francine!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jayda, umaasang magiging friends ulit sila ni Francine!
Jayda Avanzado

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Jayda Avanzado at Francine Diaz. Matatandaang naging matalik na magkaibigan ang dalawa noon. “Nagkaroon po ng disagreement sa amin ni Francine and mga ibang bagay na hindi namin pagkakaunawaan.

“Ito masasabi ko po, without elaborating so much on all the details, we were able to talk about it po and naging maayos naman po ‘yung usapan na ‘yon. So kumbaga, we’re at a place where we’re civil,” pagtatapat sa amin ni Jayda sa Fast Talk with Boy Abunda.

Umaasa naman ang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na manunumbalik ang pagiging magkaibigan nila ni Francine. “Para po sa akin, I think I’m at a point as young adult. Para po sa akin wherever life take us. If life’s destiny is for us to come back together as friends, I willingly welcome that for myself,” giit ng singer-actress.

Napabalitang mayroon ding iringan sa pagitan nina Jayda at Andrea Brillantes. “Hindi po, we were in the same circle of friends po so parang ‘pag nagkikita po kami sa event, parang nagkakataon po na nagkakasama kami. And maayos naman po ‘yung pakikitungo niya sa akin. So para po sa ‘kin, I reciprocate that and I was raised that too. Kailangang makisama po ako sa lahat ng tao po sa industriya, lalo na kung maayos po sila sa akin. Andrea, actually, I might say na hindi naman po kami sobrang close or anything. It’s really more of we are in the same circles na. We’re in the same industry. And we have the same stylist actually,” paglilinaw ng dalaga.

Samantala, nagbigay ng reaksyon si Jayda tungkol sa inamin ni Darren Espanto sa amin na nagkaroon sila ng espesyal na ugnayan noon. “Ito po ang masasabi ko Tito Boy, there was something romantic between me and him at one point. Noong mga bata po kami, it’s something that I fondly look back on. It was a mutual understanding po, Tito Boy. No’ng time na ‘yon, in respect din sa sinabi ni Darren na he’d like to keep things private. It was just mutual and we were just vocal sa aming dalawa. We were both special to each other at one point. Siguro po at how young we were, it was something na we enjoyed in the moment po,” pagtatapat ni Jayda.

Vice, may pangako sa winner…

Muling gagawa ng isang pelikula si Vice Ganda ngayong taon. Mabibida ang Unkabogable Superstar sa And the Winner Is… na gagawin ng direktor na si Jun Lana.

Matatandaang 2022 pa nang huling magbida ni Vice sa pelikulang Partners in Crime kasama si Ivana Alawi. “Magbabalik-pelikula po tayo para magbigay ng unkabogability sa buong society,” bungad ni Vice.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho ng komedyante si direk Jun.

Maituturing umanong highlight ni Vice para sa kanyang karera na makatrabaho ang bago niyang direktor. “First time naming magkakasama and ang saya ko lang talaga. Highlight ito ng career ko this year. Hindi lang this year, pati ng movie career ko. Ito ‘yung isa sa mga pinakamalaking highlights. From Direk Wenn (Deramas) and now na kay direk Jun na ako. Ang swerte, swerte ko po na magkakaroon ako ng pelikula kasama si direk Jun Lana and isusulat nila (Star Cinema),” paglalahad ng It’s Showtime host.

Mapapabilang din sa natu­rang pelikula si Jhong Hilario. Sinisiguro ni Vice na muling mapapatawa ang mga mano­nood dahil sa bagong gagawing proyekto. “Pinapangako namin na hindi matatapos ang taon na hindi namin kayo mapapatawa ni direk Jun Lana,” pagtatapos ng komedyante. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

JAYDA AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with