^

PSN Showbiz

Celia, pinagsasabihan ang mga bobong katrabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Celia, pinagsasabihan ang mga bobong katrabaho
Celia Rodriguez

Aminado ang beteranang aktres na si Celia Rodriguez na inaayawan siya ng maraming director.

Ikinuwento niya sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda na nagkaroon ng pagkakataon na diretsahan niyang sinabi sa isang director na hinding-hindi na niya gusto pa itong makatrabaho.

Halos lahat daw ng mga nakatrabaho niyang director ay sinasabihan niya ng ‘susunod, direk, ha’ o ‘di kaya’y sinasabihan siya nito ng ‘susunod, manay, ha’ pero merong isang director sa Seiko Films na ayaw na niyang pangalanan kung saan nang paalis na sila ng Mindoro at pauwi na ay hinabol niya ito. “Oh ano na naman, tita?” sagot pa raw sa kanya nito nang tawagin niya.

At doon na niya sinabi sa director na ang greatest wish niya bilang aktres ay ipagda­rasal niyang hindi niya na ulit ito makatrabaho. Ginamit daw niya talaga ang salitang ‘never.’

Vocal daw pala si Celia sa mga director kapag masyadong mahaba ang mga script.

Kung bobo raw ay pinagsasabihan niya pero hindi niya ito binabanggit bobo.

Pinapaliwanag naman daw niya at kinakausap nang maayos. Gaya ng “Direk, sandali. Eh bakit ang haba-haba? Eh ang ibig lang naman sabihin eh maligo ka, period. Bakit meron pang sabon, may duster? Hindi ba understood?”

Kaya naman naiintindihan naman nito ang kanyang punto.

Ganoon daw kasi ang meron sa Hollywood. Understood na daw iyon.

Baka dahil sa kanyang kaprangkahan kaya ilag sa kanya ang sinasabi niyang maraming director at takot na mabigyan ng sample.

Wala namang duda ang galing ni Celia na legend na sa showbiz na tumatak na sa kanyang mga kontrabida role.

vuukle comment

ACTRESS

CELIA RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with