^

PSN Showbiz

Juday, ‘di pinalagpas ang kasal nina Angelica at Gregg

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Juday, �di pinalagpas ang kasal nina Angelica at Gregg
Angelica Panganiban

Ramdam sa kanyang post sa Instagram na masaya si Judy Ann Santos para sa kaibigang si Angelica Panganiban na kinasal na for the second time sa Siargao.

Pinost ni Judy Ann ang la­rawan nina Angelica at husband na si Gregg Homan na back to back na nakaupo habang tinitingnan ang mga kaibigang imbitado sa Siargao.

“Napakasarap nyong pagmasdan... napakasaya ko para sayo my sweet baby sister... mahal na mahal kita...”

Naging close sina Judy Ann at Angelica nang magkasama sa Star Cinema movie na Ang Dalawang Mrs. Reyes. Magkapatid ang naging turingan nila at hindi nawala ang closeness kahit matagal nang naipalabas ang pelikula.

Natuwa ang fans na nakadalo si Judy Ann sa kasal nila at hinintay pala ang post niya.

Alam daw nilang hindi papayag si Judy Ann na wala siya sa special day ng “baby sister” niyang si Angelica.

Michelle at Kim, pinagtatapat

Nadadalas sa It’s Showtime si Michelle Dee at may paniwala ang viewers na baka trial ito para maging regular co-host na siya ng show. Baka siya raw ang napili ng Sparkle GMA Artist na maging co-host from the GMA camp.

May mga pumabor na bagay nga siya sa It’s Showtime at kayang makipagsabayan sa mga host ng show, lalo na kay Vice Ganda. Looking forward na nga sila sa magiging interaction nina Michelle at Kim Chiu na biglang nagka-isyu dahil kay Atty. Oliver Moeller.

Sayang nga at wala si Kim nang mag-guest siya last Friday, hindi dahil iniwasan niya si Michelle, pero dahil nasa Siargao siya para sa beach wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Kung may natutuwa kay Michelle sa IS, may mga ayaw din. Mayroong hindi bet ang energy niya, hindi raw makasabay kay Vice at sa ibang host at sa tinatawag nilang “kanal humor.” May nag-comment pa na parang sinasapawan nito si Vice na inalmahan ng fans niya.

Rhian, ninega ang panawagan sa airport!

May nega ang dating sa paghingi ng tulong ni Rhian Ramos nang ma-stranded sila sa airport sa Dubai dahil ang interpretation nila ay nagpapa-special treatment sila ng jowang si Sam Verzosa. Nag-react tuloy ang netizens at tinawag na bobo at mababa ang reading comprehension nang nag-comment na special treatment ang hiningi niya. Sa inis ng iba, minura pa ito na hindi na sumagot pa.

And speaking of Rhian, sa kanyang pagbabalik, magiging busy siya sa taping ng dalawang big series niya sa GMA 7. Parehong kasama siya sa cast ng Sang’gre at Pulang Araw at parehong madugo raw ang taping.

vuukle comment

ACTRESS

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with