^

PSN Showbiz

Jericho, excited sa kanyang pagbabalik-teleserye para sa ABS-CBN

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jericho, excited sa kanyang pagbabalik-teleserye para sa ABS-CBN
Jericho Rosales at ABS-CBN execs

May niluluto ring pelikula with Kathryn?

Excited na ang Asia’s award-winning actor na si Jericho Rosales para sa kanyang inaabangang TV comeback kung saan bibida siya sa isang proyekto ng ABS-CBN.

Bagama’t wala pang detalye tungkol sa gagawing teleserye ni Jericho, dapat diumanong abangan ng fans ang gagampanang papel ng actor na sigurado umanong tatatak sa mga manonood.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Jericho kung bakit niya tinanggap ang naturang proyekto pagkalipas ng anim na taon mula noong bumida siya sa huli niyang teleserye.

“I’m very excited sobrang tagal ko nang ‘di nakabalik dito. It’s nice to be back here sa ABS-CBN,” kwento ng Kapamilya heartthrob.

“It’s a really good project. For me timing is everything. It’s the perfect project, something that is aligned sa goals ko for my career now in film, TV, and streaming. The story is good,” dagdag niya.

Bukod sa kanyang pagbabalik-teleserye, sinabi rin ni Jericho na may niluluto rin siyang proyekto kasama ang Star Cinema.

“I’m really happy with this energy now that I am back in front of the camera, announcing stuff that I’ve been working on,” sabi niya.

Ito na kaya ‘yung pelikula nila ni Kathryn Bernardo?

Bilang isa sa mga pinakamagagaling na leading man ng kanyang hene­rasyon, napamahal ang mga manonood kay Jericho dahil sa kanyang mga pinagbidahang serye tulad ng Pangako Sa’Yo, Sana’y Wala Nang Wakas, The Legal Wife, at iba pa. Ang huling teleserye na ginawa ni Jericho ay noong 2018 para sa hit romantic drama na Halik.

vuukle comment

ACTOR

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with