^

PSN Showbiz

Ruru, umatras sa love scene nila ni Angeli Khang

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ruru, umatras sa love scene nila ni Angeli Khang
Ruru Madrid at Angeli Khang
STAR/File

Natakot kay Bianca

Nagulat si Ruru Madrid na kissing agad ang eksena nila ng Vivamax A-list actress Angeli Khang na sasabak sa kanyang pinakaunang TV drama, Black Rider. “Actually, ang nakalagay sa script, magsisimula sa kiss and then eventually parang mapupunta sa bed scene. Sabi ko teka lang po, parang masyadong abrupt,” kuwento ni Ruru sa mediacon nila para sa pagpapatuloy ng bagong digmaan sa primetime series ng GMA 7.

“Kasi parang too much and sa audience na rin at maraming sumusu­baybay na mga bata. So nung ginawa namin ang eksena to be honest hindi siya bastos eh. Parang wholesome at talagang may puso.”

Pero may bed scene pa rin?

“Wala-wala nang bed scene.”

So umatras ka sa bedscene for the first time? “Ang naging eksena ni Direk (Rommel Penesa and Richard Arellano), drinown shot niya eh parang maging romantic. Nung nag-kiss na kami, inangat na niya (camera) para hindi masyadong kita ‘yung kissing.”

So hindi ka pa ready sa mga ganun? “Hindi naman sa hindi ready. Pag kailangan po talaga sa eksena, gagawin ko naman. Pero parang pakiramdam ko rin naman I mean personally, bilang isang viewer ng Black Rider baka sobrang abrupt, baka masyadong mabilis lang. Pero kung mailalatag naman natin ng maayos, slowly, gently, eh why not!,” paliwanag pa ng actor.

Masaya siya na nakatrabaho niya ang sexy star, pero aniya ay wala siyang subscription ng Vivamax. “To be honest po, wala. Kasi hindi ako pwedeng mag-subscribe. May nakabantay,” sabay tawa nito na of course ang tinutukoy ay ang girlfriend na si Bianca Umali.

“Pero sa totoo lang nang magkaroon kami ng picture together, pinsan ko, even my dad, even my friends, biglang nami-message sa akin ‘ uy si ano yan, si Angeli Khang.’ Ang dami nilang sini-send na messages. So natatawa talaga ako.  Parang... nakakatuwa kasi parang makasama ang isang pinapanood ng mga kaibigan mo.”

Anong reaction ni Bianca?

“Kinuwento ko po agad (‘yung kising scene). Sa totoo lang, hindi malinaw sa akin na may kising scene. Galing kami ng Canada noon. Tapos pag-uwi dumiretso ako ng taping...so pagdating ko set, nabasa ko na meron palang mga kissing. Doon ko na lang nalaman, akala ko joke lang ‘yun. Pero totoo pala. Eh walang signal sa Tanay. So ako sabi ko, kailangan ko ‘tong masabi agad. Pero wala akong choice gagawin ko ‘yung eksena na hindi pa niya nalalaman.

“Pagkatapos ng taping, nung may signal na, sinabi ko sa kanya na kailangan naman sa eksena, may pinasok na bagong leading lady na kung saan meron kaming kissing scene, kailangan naming gawin.

“Kasi ang usapan namin ni Bianca. bilang mga actor... Mas transparent kami sa isa’t isa. Kasi ‘yun ang nahanap naming sekreto para maging maayos ang relationship namin lalo na pagdating sa ganyang mga bagay kasi para alam namin ang expectation. Kasi may social media eh. May TV, na pag napanood niya, ba’t may ganyan...”

Anong sabi niya? “Na-appreciate niya ‘yung honesty ko.”

Ganundin naman daw si Bianca pag may eksenang ganun. “Si Bianca kasi she’s very transparent, so of course ini-expect niya na ganundin ako sa kanya. ‘Yun ang parang naging dynamics ng relationship namin na maging transparent kami para alam din namin ang eexpect sa isa’t isa.”

So wala nang interrogation after ng kissing scene n’yo ni Angeli?

“Wala na. Kasi parang andun na kami sa point ng relationship namin... magsi-six years na kami sa July... Hindi sa walang selosan kasi ‘di rin naman natin maiiwasan ang ganun pero ‘yung level of trust namin buong-buo na. Ako marami rin naman akong naging kalokohan dati, kilala n’yo ako, mga kapilyuhan ko, kalokohan. Pero binago ko. Nakita ko rin kasi ‘yung kahalagahan ng buhay at the same time ayoko na ring gumawa ng isang bagay na ikakasira ko bilang isang tao. Ayoko na po ng ganun,” pahayag pa ng actor sa aming interview na aminadong hindi nawawala ang nararamdamang pressure sa kanyang ginagawa.

Samantala, gagampanan ni Angeli si Nimfa, bagong character sa Black Rider.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with