^

PSN Showbiz

Aktor, laglag sa pelikula dahil sa manager!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagngingitngit ang isang kaibigan naming talent manager sa kilalang talent manager na may alagang magaling na aktor.

Itong kaibigan naming talent manager ay magla-line produce ng isang pelikulang interes­ting ang material na hango ang kuwento sa isang kontrobersyal na taong nasangkot sa isang malaking kaso.

Tipong true to life ang kuwento at sa tingin nila nababagay itong si magaling at premyadong aktor sa lead role.

Kinausap niya ang manager nito. Ipinaliwanag kung anong klase ng pelikula ang inaalok nilang project sa naturang aktor.

Kakausapin daw niya ang alaga, sagot sa kanila nitong talent manager.

Pagkalipas ng isang linggo, nag-follow up na si talent manager/line producer dito kay talent manager ni magaling na aktor.

Halos mahulog sa kinauupuan si talent manager nang sinabihan siya ng kapwa talent ma­nager na mas gusto raw niyang makipag-usap sa producer.

Nagtaka si talent manager/line producer bakit kay producer na gustong makipag-usapan nitong si talent manager.

‘Yun pala, isa-suggest daw nito sa producer na dalhin na nila sa isang malaking film production dahil maganda ang material. Gusto pa raw niyang palitan ang director at pati ang ilang production staff.

Nagulat itong kaibigan naming talent manager, dahil gusto pala silang mawalan ng trabaho itong si talent manager.

“Hindi man lang niya naisip na ang daming mga taong mawawalan ng trabaho dahil sa gusto niyang mangyari,” himutok nitong talent manager na nagsusumbong sa amin.

Kaya hindi na raw nila kukunin ang artista nitong si talent manager, at nagpatulong na lang sa amin na maghanap ng ibang artista.

Darren, pinagpalit si Cassy sa bekis!

Sa gitna ng isyu nina Darren Espanto at Cassy Legaspi, napapaglaruan ang ipinost ni Kim Chiu sa kanyang Facebook account na kuha niya kasama sina Darren Espanto at Bela Padilla.

Nasa birthday party sila ni Vice Ganda nung Sabado na ginanap sa Highland Bali Villas, Resort and Spa sa Nueva Ecija.

Parang kararating lang nila sa resort na ‘yun na nagchi-chill chill lang sila, nasa video na ‘yun na ipinakilala ni Kim Chiu ang pangalan ng grupo nila na DaBeKi, stands for Darren, Bela at Kim. Kaya ipinalipat ni Kim si Bela sa gitna dahil DaBeKi nga raw sila.

“‘Yun po ang grupo namin,” walang kamali-malisyang tugon ni Darren.

Ang daming nag-comment na mga fans na natutuwa sila sa magandang friendship nila, at nadagdag sa grupo si Darren.

Alam nilang close friends din  nila si Angelica Panganiban, kaya dapat gawin na raw AngDaBeKi, dahil kasali si Angelica.

Since madalas na magkakasama sina Darren at Kim sa It’s Showtime, nagiging kaibigan na rin ng Fil-Canadian singer ang ibang kaibigan ni Kim.

Kaya tapos na ba ang CassRen friendship nina Darren at Cassy? Mas close na siya sa BeKi na sina Bela at Kim?

JM, seryoso kay Donnalyn

Sobrang kabado si JM de Guzman sa pelikulang Guilty Pleasure na sisimulan niya sa Regal Entertainment.

Makakasama niya rito sina Lovi Poe at Jameson Blake, sa ilalim ng direksyon ni Connie Macatuno, at sinulat nina Noreen Capili at Trisha Mae Delez ang script.

Nakakadagdag pa sa kaba niya nang nalaman niyang personal siyang pinili ni Lovi Poe na makakasama niya sa pelikulang ito.

Bukod pa riyan, mapapasabak siya sa matitinding daring scenes na ipapagawa sa kanya ni direk Connie.

Naalala namin ang pelikulang Malaya na first movie ni Lovi kay direk Connie.

Kasama niya rito si Zanjoe Marudo na talagang nagpaka-daring dito ang Kapamilya actor.

Kahit nga raw mismo si Zanjoe ay hindi makapaniwalang nagawa niya ang paghuhubad niya sa pelikulang ‘yun.

“Si direk… first time ko ever ma-meet si Zanjoe, we already shot the scene. That was the first scene.

“That’s why sinabi ko kanina na magaling mag-break ng ice si direk,” napapangiting pahayag ni Lovi sa nakaraang storycon ng Guilty Pleasure.

Kinausap nga raw ni direk Connie ang dalawang lead actors niya rito sa Guilty Pleasure kung hanggang saan ang kaya nila.

Lalo nga tuloy kinabahan si JM nang kinausap daw siya ni direk Connie.

Doon pa rin sa story conference ng Guilty Pleasure na inamin sa amin ni JM na mahigit isang taon na pala niyang nililigawan ang social media influencer na si Donnalyn Bartolome.

Nasa ‘dating’ na status na raw sila, pero hindi pa sila official na magkasintahan. Hinihintay na lang daw niyang sumagot si Donnalyn.

Basta magtitiyaga pa rin daw siya sa panliligaw, dahil seryoso raw siya talaga kay Donnalyn.

vuukle comment

CASSY

MAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with