^

PSN Showbiz

Gerald, nagkomento sa pagkikita nina Bea at Julia...

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, nagkomento sa pagkikita nina Bea at Julia...
Gerald Anderson

Pinaghahandaan ang tournament sa China

Kabilang si Gerald Anderson sa sequel ng pelikulang Buy Bust na pagbibidahan ni Anne Curtis. Nagsimula na ang taping ng aktor para sa naturang serye. “Parang warm-up siya kasi bumabalik ako sa action scenes namin ni Anne and keeps me in shape,” pahayag ni Gerald.

Matatandaang si Anne din ang nagbida sa naturang pelikula na ginawa ni Erik Matti noong 2018. Ayon kay Gerald ay talagang kaabang-abang ang kanilang bagong proyekto na ginagawa ngayon ng beteranong direktor. “It’s the same characters and iba lang ‘yung mga challenges. Nakaka-pressure din kasi it’s a big production. I believe Netflix is a part of it, ipapalabas do’n,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, kamakailan ay nagkita ang kasintahan ngayon ni Gerald na si Julia Barretto at dating kasintahan ng aktor na si Bea Alonzo. Naganap ang pagtatagpo ng dalawang aktres sa birthday celebration ni Johnny Manahan. “Gano’n talaga, time heals. Basta moving forward lahat,” makahulugang pagtatapos ng aktor.

Bukod sa bagong serye ay puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ni Gerald para sa The Asian Tournament 2024. Pangungunahan ng aktor ang Pola Pilipinas RPG na siyang kinatawan ng bansa. Gaganapin sa Guangdong, China simula sa April 19 ang naturang tournament.

Script ni-revise Ina, na-stress sa pagiging makakalimutin

Magwawakas na ang seryeng Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Kabilang din si Ina Raymundo sa natu­rang proyekto ng tambalang DonBelle. Ayon kay Ina ay talagang napahanga siya sa pagiging magaling na artista nina Belle at Donny. “They are such good people, good actors. I’m actually a fan of DonBelle. Parang sobrang experienced na sila sa buhay the way they act, the way they carry themselves. Nakaka-proud silang katrabaho,” nakangiting pahayag ni Ina sa On Cue ng ABS-CBN.

Ina ng karakter ni Donny na si Andrei o Bingo ang ginampanan ng aktres sa serye. Hindi na raw nahirapan si Ina sa trabaho dahil malaki ang pagkakapareho ni Donny sa anak niyang si Jakob.

Aminado si Ina na madalas na nakakalimot ng mga linya sa mga eksenang ginagawa.

Minsan ay sumama raw ang pakiramdam ng aktres dahil sa sobrang stress sa trabaho. “Dumating ako sa point na ni-revise ‘yung script. Nabigay siya last minute and ang haba. Having five kids, my memory is not perfect. I’m very forgetful. Meron namang scene na ang akala ko voice over lahat nang sasabihin ko mga paragraphs. ‘Yon pala hindi and i-a-act ko pala, in-acid talaga ako. It was so stressful,” natatawang kwento ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with