^

PSN Showbiz

Bahay nila Kathryn, mala-mall ang laki!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Bahay nila Kathryn, mala-mall ang laki!
Kathryn Bernardo at Alden Richards

May arcade at courtyard

Tama nga ang fans sa description sa bagong bahay nila Kathryn Bernardo na mala-mall sa laki at nitong magawa na, pati features ng bahay, mala-mall din.

May sari­ling arcade ang bahay at may elevator pa. May in-house slide pa para sa mga tamad gumamit ng hagdan at elevator pagbaba sa ground floor.

Mala-mansion din sa ganda ang bahay na nasilip ang ibang parte sa housewarming na dinaluhan ng maraming bisita.

Ang ganda ng indoor courtyard at lanai, hindi lang basta garden, courtyard talaga. Ito ang klase ng bahay na tatamarin ka na talagang lumabas at gugustuhin na nasa loob ka na lang parati.

Hindi nga lang ito magawa ni Kathryn dahil marami siyang ganap sa labas ng bahay, mga ganap na siyang nagbigay at nagbigay sa kanya ng kakayahan na matupad ang ipinangako sa ama.

Binalikan ng fans ang pangako nito sa ama noong bata pa siya na kapag kumikita na siya, papalitan niya ang bahay ng ama.

Hindi lang bahay ang ibinigay ni Kathryn sa mga magulang niya at sa kanyang pamilya, mansion talaga.

Naisip tuloy namin, ilan lang bang celebrity ang may elevator ang bahay?

Ang naalala namin ay si Sharon Cuneta sa bahay niya sa Wack-Wack.

May elevator din ang ipinapagawa nitong bahay sa Cavite at si Camille Prats, may elevator din ang bagong bahay.

Sharon, hinihiritang gumawa ng talk show

Na-miss ng kanyang fans si Sharon Cuneta, kaya ‘yung post nito sa kanyang Sharon Cuneta Network ay marami agad ang nag-like at nag-comment. Marami rin ang nag-agree sa sinabi nitong “No matter what life throws our way, there’s a way to smile with confidence.”

Sa mga comment, ipinarating ng fans ang pagka-miss nila kay Sharon na sa mga nakaraang cryptic post lang nito sa Instagram nagparamdam. Ang request ng fans, gawin niyang regular talk show ang vlog niya at siguradong marami ang magsu-subscribe.

May nagsabi pang palawakin niya ang kanyang social media awareness at marami siyang puwedeng gawin.

Napansin namin, walang nagtanong sa kanya kung bakit wala siyang birthday greetings sa anak na si KC Concepcion na nag-birthday noong April 7.

Kahit naman si Gabby Concepcion, walang birthday greetings kay KC sa kanyang Instagram, pero present siya sa birthday celebration nito with her friends.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with