^

PSN Showbiz

Korean singer, natagpuang bangkay

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Korean singer, natagpuang bangkay
Park Bo-ram.
STAR/ File

Nagluluksa na namang ang K pop fans matapos ang kumpirmasyon na namatay ang  South Korean singer na si Park Bo-ram sa edad na 30, ayon sa kanyang talent agency na Xanadu Entertainment.

Ayon sa online reports, sinabi ng South Korean police, na nakikipag-inuman diumano ito kasama ang dalawa pang babae sa bahay ng isang kakilala nang matagpuanito walang malay sa banyo bandang alas-9:55 ng gabi.

Siya ay dinala sa ospital, ngunit binawian daw ng buhay makalipas ang mahigit isang oras alas-11:17 ng gabi.

Kasalukuyan na raw itong iniimbestigahan ng pulisya.

Sumikat pala siya sa edad na 16 nang lumabas sa reality singing competition ng South Korean TV channel na Mnet na Superstar K2 noong 2010, kung saan nagtapos siya sa top eight.

Nag-debut siya sa Beautiful noong 2014 at nagpatuloy sa paglabas ng higit sa 10 single at dalawang EP – Celpretty noong 2015 at Orange Moon noong 2017.

Inilabas ni Park ang kanyang latest single, I Miss You, noong Abril 3 ayon sa information na lumabas sa Asia News Network at Korea Herald.

Alden at Kathryn may offer, bet pagtambalin sa GMA!

Parang convinced na ang iba na may special friendship na sina Alden Richards and Kathryn Bernardo.

Kilig pa more nga ang fans nila sa nagkalat noong Huwebes ng gabi (April 11) na videos and photos nila sa blessing ng bagong bahay ng aktres.

Dumalo si Alden sa nasabing housewarming party nila Kath at ipinost ng mga bisita ang videos and photos nila.

May video pa na animo’y nagse-serve ang actor ng drinks.

Nakita naman sa isang video na habang sumasayaw si Kathryn ay nakatingin sa kanya ang aktor at nagtutuksuan ang mga andun.

Prior to this ay present na rin si Alden sa 28th birthday party ni Kathryn sa Palawan at sa post-birthday party nito sa Manila.

So may chance kaya na maging sila sa totoong buhay?

Aside from Alden, present din sa naturang three ocassions si Dominic Roque na BFF ni Kathryn.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with