^

PSN Showbiz

Singer-actor paminta na ang galawan sa variety show

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Aware kaya itong singer-actor na ito na pinagmamasdan ang kanyang mga kilos at galaw sa musical variety show na kasama siya?

Major paminta raw kasi at kapag kumilos ah napaka-conscious pero lumalabas ang pagkendeng kapag nabibigla o nae-excite.

Tingnan natin kung magiging ganyan siya sa malapit nang ganapin na pa-big event niya!

Concert ni Darren, inaabangan kung maso-sold-out

Pagkatapos ng EyeCon concert ni Randy Santiago last night sa PICC, heto na ang mga MOA Arena concerts nina Regine Velasquez at Gary Valenciano.

Knowing how they are, magkaka-repeat of the repeat pa kaya ang major gigs na ito?

Hindi kataka-taka! Teka, after the postponement of the Janella Salvador concert, kumusta na naman ang Araneta Concert ni Darren Espanto?

Papatok kaya?

Sa rami naman niyang friends, baka naman, ‘di ba?

Alden, may isyu sa pag-iyak

Bakit maraming nagsasabi na kailangan at dapat mapanood ni Alden Richards ang Netflix film na A Journey para makita kung paano saktong umiyak sina Patrick Garcia at Paolo Contis sa kanilang mga eksena?

Nagsimula nang ipalabas ang A Journey sa Netflix worldwide at hindi kataka-taka kung mag-Number 1 na ito ngayon! Ibang klase lang kasi ang galing at pagkakomportable ng tatlong bida. As in!

TV Patrol, balik-channel 2

Oh mapapanood na ang ABS-CBN Flagship Newscast na TV Patrol sa ALLTV Channel 2 simula April 15, 2024!

Congrats Kapamilya!

Kumusta, will All TV provide a new and wider audience to the Kapamilya content?

Teka, abangan natin!!

JK, kumpirmado na ang relasyon sa kandidata ng Miss Universe-Philippines!

Confeeeeermed na talaga ang relasyon ng Ere singer-songwriter na si Juan Karlos at ang singer-songwriter din na Miss Universe Philippines -Cavite candidate na si Dia Mate.

Sa birthday party ng kanilang manager sa kanilang music label, naka-post ang kanilang sweet photo booth pictures.

Ang tanong, paano kaya makakatulong ang relasyon na ito sa pananalo ng girlash sa darating na Miss U-Philippines?

At malalampasan kay ng bilat na ito ang na-achieve ng dating girlfriend ni Juan Karlos na si Maureen Wroblewitz na runner-up noong 2021 and eventually naging winner ng Asia’s Next Top Model (Season 5).

Nakakata-quote:

“What you see is what you get.” – Alden Richards on the real score with him and Kathryn Bernardo

vuukle comment

DARREN

TV PATROL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with