^

PSN Showbiz

Mavy, nangatwiran sa mga post ng inang si Carmina

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mavy, nangatwiran sa mga post ng inang si Carmina
Carmina Villaruel.
STAR/ File

Nakorner namin si Mavy Legaspi sa special screening ng pelikulang A Journey na pinagbibidahan nina Paolo Contis, Patrick Garcia at Kaye Abad.

Ginanap ang special screening para sa mga na kaibigan at katrabaho nila sa Cinema 3 ng Vertis North nung Huwebes ng gabi.

Nagsimula na itong mag-streaming sa Netflix kahapon ng hapon at worldwide ito mapapanood.

Dumalo si Mavy bilang suporta kay Paolo.

Naging close silang lahat na hosts ng defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya, at kapag libre sila, nandiyan silang lahat para sumuporta.

Bukod kay Mavy ay dumating din ang kakambal niyang si Cassy, pati sina Betong Sumaya, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Dasuri Choi at Michael Sager.

At naging game si Mavy na sinagot ang ilang katanungan namin, pero hindi na namin masyadong inurirat ang tungkol sa kanila ni Kyline Alcantara.

Naging tahimik na lang daw siya dahil hindi naman daw kailangang pag-usapan pa.

Aniya, “I mean…kung hindi naman kailangan, it’s not needed kasi. Kaya ayun, there’s nothing to talk about.

“Kaya, you just don’t feed anything. You don’t feed any information na hindi naman kailangan. Basta kami, peaceful kami and behind closed doors we have great relationships and a lot of people. Kaya, okay lang.”

Nilinaw na rin sa amin ni Mavy na hindi naman daw nila kailangan pang ipagtanggol ng kanilang magulang, lalo na ang Mama nilang si Carmina Villarroel.

Nasa tamang edad na raw sila at kaya na nilang ipagtanggol ang kanilang sarili.

“And lahat naman ng decision namin sa buhay is from our own. Kaya lahat ng mga misconceptions na sinasabi ng ibang tao na protected kami by my parents huh! It’s really not that. Kami ni Cassy, we decide our own. We’re 23 years old. Hindi na kami 12, 10 years old. So, ayun!” saad pa ni Mavy.

Kapag may ipino-post kasi si Carmina ay ang buong akala ng mga netizen ay patungkol ito sa mga isyung kinasangkutan ng kambal.

“Yeah! Ang daming nag-a-assume lang. Kaya si Mama lang, she just post whatever she wants to post. Kasi it’s nothing related to whatever cases na nangyayari sa social media.

“She just post it. She has her own life. She has her own problem sa buhay niya, and maraming blessings sa buhay, kasi napakataas ng rating ng Abot Kamay. So, continuous lang.

“We get to go out, have vacations, we get to having this time with co-actors, co-actresses….” dagdag niyang pahayag.

“’Yung advices hindi na masyadong? they don’t give us as much advice. Kasi nga, parang we’re that aged na.

““Kaya, kumbaga kung ano man ‘yung nagawa namin, or choices we make, consequences na namin. Hindi na consequences na nila Mama at Papa kasi, again, nasa show business na kami. They have their own careers, kami rin ni Cass we have our own careers. So, ayun lang,” kaswal na pahayag ni Mavy.

Natawa na lang si Mavy nang diretsahan ko siyang tinanong kung handa na ba siyang ma-in love muli.

“Ako, dahil ahmmm… siguro sa ngayon, ma-in love muna ako siguro sa sarili ko… sa sarili kong craft sa pag-arte and I can’t let this slip away kasi ‘yung binigay sa akin na napakagandang project.

“So, if ma-miss ko ‘tong project na ‘to, sayang ‘to,” sambit nito.

Hindi pa raw niya puwedeng i-share kung anong series itong pinaghahandaan niya. Basta tuluy-tuloy lang daw ang training niya, para bumagay siya sa project na nakalaan para sa kanya.

Patrick at Kaye, handang balikan ang teleserye

Noong nag-guest pala si Patrick Garcia sa Fast Talk With Boy Abunda, angdaming executive producers ang kumausap sa kanya kung gusto nitong gumawa ng drama series.

Ang ganda kasi nitong pagbabalik-acting ni Patrick dito sa pelikulang A Journey nila nina Kaye Abad at Paolo Contis.

May ibang trabaho si Patrick na labas sa showbiz, at ayaw niya itong bitawan.

Kung sakaling gagawa raw siya uli ng drama series o pelikula, ‘yung gusto raw niya talaga ang project.

“Siguro kung maganda ‘yung proyekto, maganda ‘yung offer, and… tuloy pa rin ang trabaho,” matipid na sagot ni Patrick.

Ganundin si Kaye Abad na napakagaling din dito sa A Journey.

Aniya, “Depende sa proyekto of course. Bilang may mga anak…meron akong maiiwan na…so, depende sa proyekto, sa istorya, sa lahat.

“I’m not stopping acting. So, tuloy pa rin.”

vuukle comment

MAVY

PAOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with