^

PSN Showbiz

Lovi, iniwan ang mister para sa guilty pleasure

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Lovi, iniwan ang mister para sa guilty pleasure
Lovi Poe.
STAR/ File

Ang caption ni Lovi Poe na “Missing home” sa photo post niya sa Instagram sa husband niyang si Monty Blencowe at ang fur baby niyang si Señorito. Nasa bansa siya at gagawin ang pelikulang Guilty Pleasure kasama sina JM Guzman at Jameson Blake sa Regal Films at ilang linggo rin siya rito.

Naiwan sa house nila sa Los Angeles ang fur baby niya at at photo, katabi nito si Monty na nanonood ng TV.

Anyway, sabi ni Lovi sa Guilty Pleasure, “Stepping into a world of intrigue and vulnerability with a script reading for “Guilty Pleasure”- ready to dive into this thrilling new adventure.”

Si Connie Macatuno ang director ng movie na may pagka-sexy siguro.

Hindi na magiging problema ng director ang chemistry nina Lovi and her leading men dahil kahit sino ang makapareha nito, lagi siyang may chemistry.

KathNiel, fans malungkot na naman!

Nalungkot at nanghinayang ang KathNiel fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na break na ang dalawa nang matapos ang mala-mansion na bahay ng mga Bernardo.

Sa groundbreaking lang daw nakasama si Daniel at sa house blessing, si Alden Richards na ang kasama.

Kung hindi raw nag-break ang mga ito, malamang si Daniel ang nasa tabi ni Kathryn at walang Alden na naimbitahan. Dahil dito, lalong nagagalit kay Alden ang ibang KathNiel fans, bakit daw tuwing may special occasion kay Kathryn at pamilya nito laging present si Alden?

Sagot ng fans nito, imbitado ang aktor at friends sila ni Kathryn, kaya siya pumupunta at hindi dahil gusto niyang pumapel o magpabango sa Bernardo family. Napuri pa nga siya dahil dapat dadalo ito sa awards night ng Esports Award, pero mas piniling dumalo sa house blessing ng mga Bernardo.

Tsika pa ng KathDen fan, the morning ng house blessing, tumakbo si Alden dahil nga naghahanda sa sasalihang Half Marathon sa Rome. After noon, may iba pa raw appointment ang aktor, pero kahit busy at hectic ang schedule, dumating pa rin sa house blessing.

Barbie at Bianca, nag-level up ang friendship

Nagkasama sa Canada sina Barbie Forteza at Bianca Umali para sa Sparkle Goes to Canada shows, nag-bonding ang dalawang Kapuso stars at hindi malayong maging best of friends sila.

May photo na nagkakape ang dalawang aktres at nagkakuwentuhan. Ikinumpara sila ni Barbie na mga karakter sa US show na Friends.

“Very Monica & Rachel,” caption ni Barbie sa kanyang post na ang tinukoy ay ang mga karakter nina Jennifer Aniston (Rachel Green) at Courtney Cox (Monica Geller) na best friends sa Friends na sinagot ni Bianca ng “Kiligz.”

Magkakaroon daw ng part two at part three ang shows ng Sparkle at mauuna sa US sa August.

Tanong pala ng fans, kailan pagsasamahin ng GMA 7 sina Barbie at Bianca sa isang series? Para raw mas masaya, sina David Licauco at Ruru Madrid na rin ang ipareha sa kanila para mas masaya.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with