^

PSN Showbiz

Dominic Roque cellphone wallpaper pa rin ex-fiancée na si Bea Alonzo

James Relativo - Philstar.com
Dominic Roque cellphone wallpaper pa rin ex-fiancée na si Bea Alonzo
Makikita rito ang larawan ng aktor at modelong si Dominic Roque. Kung titignang maigi, mapapansin ang litrato ng kanyang ex-fiancée na si Bea Alonzo sa kanyang cellphone wallpaper.
Mula sa Facebook page na Bonal Robel

MANILA, Philippines — Hindi naiwasang mapansin ng ilang netizens ang litrato ng aktres na si Bea Alonzo sa telepono ng dating fiancée na si Dominic Roque, dahilan para umasa ang fans na maibabalik ang init sa pagsasama ng dalawa.

Makikita kasi sa cellphone wallpaper ni Dominic ang larawan ni Bea habang kumukuha ng video selfie kasama ang mga tagahanga sa SM City Cebu nitong Linggo.

"Nakikita nyu [ba ang] Nakikita ko?" wika ng Facebook page ng isang Bonal Robel nitong Huwebes, bagay na siyang nagpaskil ng naturang Facebook video reel.

"Sino ang nakalagay sa wallpaper ni Dominic Roque?"

 

 

Lalo pang tumindi ang espekulasyon ng ilan tungkol sa relasyon ng dalawa matapos i-post ni Dominic ang litrato ng aso ni Bea nitong Huwebes sa Instagram. Ang naturang aso ang kasama ni Bea sa wallpaper.

Matatandaang nag-propose ng kasal si Dominic kay Bea noong Hulyo 2023, bagay na malugod na tinanggap ng huli matapos ang serye ng relasyon sa iba pang showbiz personalities.

Gayunpaman, ika-6 ng Pebrero ngayong taon nang kumpirmahin ng television talk show host si Boy Abunda ang "hiwalayan" ng dalawa. Inamin naman ng dalawa kalaunan na hindi na tuloy ang kanilang kasal.

Una nang sinabi ni Roque na hindi sila nagkaroon ng alitan ni Bea, lalong lalo na sa isang "prenuptual agreement."

Ang naturang kasunduan — na nag-aasikaso sa hatian ng ari-arian oras na magkahiwalay ang mag-asawa — kasi ang itinuturo ng ilang dahilan sa hiwalayan.

vuukle comment

BEA ALONZO

BREAKUP

DOMINIC ROQUE

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with