^

PSN Showbiz

Pokwang, tagumpay sa pagpapa-blacklist sa ex

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, tagumpay sa pagpapa-blacklist sa ex
Pokwang

Natuloy na pala ang deportation kay William Lee O’Brian kaugnay sa kasong isinampa ni Pokwang laban sa dating partner.

Naglabas ng press release ang Bureau of Immigration kahapon na nakaalis na pala ng bansa ang American actor noong Lunes, April 8, at blacklisted na siya sa Pilipinas.

Bahagi ng press release mula sa Bureau of Immigration, “The BI found merit in the said complaint and ordered O’Brian deported in December for violation of the conditions of his stay.

“O’Brian filed for a motion for reconsideration, which was eventually denied.

“BI Commissioner Norman Tansingco said that O’Brian was deported evening of April 8 on board a Philippine Airlines flight to San Francisco after the BI confirmed that he has no pending local case in the Philippines.

“As a consequence of his deportation, his name has been included in the BI’s blacklist, barring any future attempts to re-enter the country.”

Wala pang nai-post si Pokwang kaugnay sa isyu nila ng dating karelasyon.

Ang huling post niya ay noong January pa na nagpapasalamat sa BI sa kanilang mabilis at patas na resolusyon sa petition na isinampa laban sa dating asawa.

Bahagi pa ng mahabang post sa kanyang Facebook account, “Naging mabigat ang aking saloobin mula nung nagkaproblema kami ni Lee, at nagpatuloy pa ito kahit nanalo na kami sa deportation case laban sa kanya. Dahil na rin siguro ito sa mga limitasyon ko bilang tao, bilang solo parent na nagtataguyod sa aking pamilya.

“Valid man itong aking mga nararamdaman, hindi ito sapat na dahilan para makapagsabi ako ng mga masakit at walang basehan na bagay sa aking kapwa, particular sa ating mga kasamahan sa BI.”

Noong nakaraang December na nagpo-promote siya ng Becky and Badette ay naibahagi pa niyang ipinahiram niya kay Lee ang kanilang anak na si Malia.

Eat Bulaga, tinapatan ang ex… ng Showtime!

As expected, mataas ang rating ng Family Feud noong Lunes na kung saan naglaro ang mga host ng It’s Showtime.

Bukod sa malakas din ito sa social media, ito rin ang nakapagtala ng mataas na rating nung araw na ‘yun.

Naka-10.7 percent ito, kahit tumaas din ang Abot-Kamay Na Pangarap na naka-10.6 percent naman.

Madalas kasi itong afternoon drama ni Jillian Ward ang highest rating program sa panghapon.

Consistent ding mataas ang It’s Showtime pagkatapos itong nakapagtala ng 9.7 percent nung unang araw nito sa GMA 7 nung Sabado.

Malakas ang EXpecially For You na segment ng It’s Showtime. Kaya noong Miyerkules lang ay meron na ring That’s My Boyfriend ang Eat Bulaga na itinapat sa EXpecially For You.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with