^

PSN Showbiz

Ex ni Pokwang dineport matapos magtrabaho nang 'walang permit' — BI

James Relativo - Philstar.com
Ex ni Pokwang dineport matapos magtrabaho nang 'walang permit' � BI
Litrato nina Pokwang (kaliwa) at Lee O’Brian (kanan)
Litrato mula sa Instagram ni Pokwang; Bureau of Immigration/Released

MANILA, Philippines — Matagumpay na napauwi ng Bureau of Immigration (BI) ang dayuhang si Lee O’Brian sa Amerika matapos ireklamo ng komedyante at dating karelasyong si Pokwang dahil diumano sa pagtratrabaho sa Pilipinas nang "walang permit."

Disyembre 2023 lang nang magwagi ang deportation case ni Pokwang (Marietta Subong sa tunay na buhay) laban kay O’Brian matapos makisangkot ang huli sa mga pelikula, programa sa telebisyon at teatro mula 2016 hanggang 2023.

"The Bureau of Immigration (BI) has successfully deported American national Lee O’Brian," sabi ng Immigration sa isang pahayag ngayong Huwebes.

"In her complaint, Subong claimed that O’Brian rendered work in different production companies without securing required Department of Labor and Employment and BI permits."

"The BI found merit in the said complaint and ordered O’Brian deported in December for violation of the conditions of his stay. O’Brian filed for a motion for reconsideration, which was eventually denied."

Una nang nagsampa ng deportation case si Subong laban kay O’Brian noong Hunyo 2023 dahil sa reklamong "financial abuse," "intimidation" at "pag-aabandona" sa kanilang anak.

Kalaunan, itinimbre na rin ni Subong ang lalaki sa BI matapos mag-renew ang nabanggit ng tourist visa sa kabila ng pagtratrabaho bilang aktor sa bansa.

Lunes ng gabi nang i-deport patungong San Francisco si O’Brian sakay ng Philippine Airlines flight matapos mapag-alamang walang nakabinbing kaso sa nabanggit.

"As a consequence of his deportation, his name has been included in the BI’s blacklist, barring any future attempts to re-enter the country," sabi pa ng Immigration kanina.

Ika-10 ng Enero nang mapag-alaman ni Pokwang na naghain ng motion for voluntary deportation si Lee matapos ang nangyaring mga reklamo.

Wala pa namang opisyal na pahayag ang aktres patungkol sa kinasapitan ng dating kinakasama.

Gaya ni Pokwang, aktor din si Lee at nakasama niya sa pelikulang "Edsa Woolworth" (2014). Biniyayaan sila ng anak na kanila namang pinangalanang Malia.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPORTATION

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with