^

PSN Showbiz

Sunshine, pinagkakalat na pinirata!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, pinagkakalat na pinirata!
Sunshine Dizon

Ano’ng nangyayari kay Sunshine Dizon at medyo agitated siya sa interview sa kanya sa premiere night ng pelikulang Sunny kung saan kasama siya.
Ok naman na wala siyang pake sa kanyang billing sa pelikula, pero bakit niya nasabing “Hello, I’ve been with Viva for the longest time. I started as a little girl with Viva, napirata lang ako remember - kundi rin lang ako napirata ? I just decided to freelance for a bit, then I woke up one day , I said I want to come home.”

Ang mga tanong, pinirata siya ng GMA7?
Ano’ng nangyari sa kanila ng PPL Management?
Sana naging thankful na lang si Sunshine kaysa mag statement na ganu’n.

Kapuso stars, proud ‘pag nakakaapak sa Showtime

Interesting ang demeanor ng mga Kapuso network talents na parang nagsa­sabing “Finally, it’s such an honor to guest in It’s Showtime.

Masasabi rin kaya nila ‘yan sa paggue-guest nila sa mga Kapuso shows? Pero aminin natin, nakakaboost naman talaga ng premium ang paggueguest sa “It’s Showtime” ngayon.

Ano naman ang dapat gawin ng TV5 para puwedeng mag level up ang Eat Bulaga? Puwede kaya ito? Mano bang ma-equire ang mga artista sa mga palabas ng ABS -CBN na ineere sa TV5 na mag guest sa Eat Bulaga para maging mas interesting ang line up ng stars at mapatunayan ding puwedeng tumawid-tawid ang mga artista at wala na talagang network war.

So ang mga artista ng Batang Quiapo, Can’t Buy Me Love, Linlang at kahit na stars ng ASAP (na hindi kasama sa It’s Showtime) to guest in Eat Bulaga.

Concert ni Janella, postponed

Bakit kaya na postpone ang concert ni Janella Salvador next week sa New Frontier Theater?

Ano’ng unforseen reason kaya ito? Minalat? Hindi naman katanggap tanggap na may ibang sked.

Paano na ang mga nakabili ng tickets? O baka kulang mapuno ang venue sa mga ticketbuyers?

Good luck Janella!

Darren wala nang apelyido

Nakakata-quote:

“Bestfriends lang kami ni Cassy.” - Darren (who already dropped his surname for a one name screen name)

vuukle comment

ACTRESS

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with