^

PSN Showbiz

KC single na ulit, nilinis na ang puso!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
KC single na ulit, nilinis na ang puso!
KC Concepcion

Hindi na makapaghintay ang netizens na manggaling kay KC Concepcion ang confirmation na break na sila ni Mike Wuethrich.

Sumugod sila sa Instagram ni KC, hinanap si Mike at may deretsahang nagtanong kung break na sila ni Mike?

Pati ang cryptic post ni KC, kinokonek sa diumano’y break-up nila ni Mike, lalo na ang cryptic post niyang “Clean your spaces. Your house, your room, your car, your mind, your heart. New things are coming, make sure you’re welcoming them properly.”

May mga nalungkot naman kung totoong nagtapos na ang relasyon nina KC at Mike dahil buo na ang paniwala nila na si Mike na ang endgame ni KC.

May nanghinayang naman dahil hindi raw matutupad ang dream nila na makitang ikinakasal  si KC at makita siyang nakikipaghabulan sa kanyang mga anak.

May nainis naman na pinakikialaman daw si KC at pati pagpapakasal ay gustong manduhan. Mauna na raw mag-asawa ang gustong mag-asawa na si KC dahil sila naman ang may gusto. Kung ‘yung may katawan nga raw ay chill lang, bakit ang ibang tao ang sobrang atat?

Janus, naduwag

Naka-off na ang comment box ng Instagram ni Janus del Prado sa post niya tungkol sa Kapamilya stars na bagong lipat sa GMA. Sabi siguro sa mga nag-comment, hindi napanindigan ni Janus ang tapang ng kanyang post.

Walang binanggit na pangalan si Janus sa post niyang “Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites” at may laughing emoji pang kasunod.

Dagdag pa ni Janus, “wag daw magsalita ng tapos dahil bilog ang mundo. “At the end of the day lumipat pa rin sila ng station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform.”

Kahit nga walang binanggit na pangalan, sigurado ang mga nakabasa sa post na mga taga-It’s Showtime  ang kanyang tinukoy dahil airing na sa GMA-7 ang show nina Vice Ganda at mga kasama since Saturday.

Sinagot  agad ng viewers ng IS at fans ng Kap amilya si Janus, binabasa lang ni Janus ang mga comment at pamba-bash sa kanya. Kalaunan nga ay in-off niya ang comment box, pero sa ibang post niya na naka-open sumugod ang netizens.

Akala raw nila palaban si Janus, bakit nag-off siya ng comment box? May nag-lecture pa sa kanya na magkaiba ang lumipat sa collaboration. May nag-comment pa na idinamay si Bea Alonzo  dahil ipinagtanggol daw ni Janus sa bashers nang lumipat ito sa GMA Network.

Andres, inaapelang ‘wag itambal kay Ryza

Nagwapuhan ang mga nakapanood kay Andres Muhlach nang mag-guest sa Eat Bulaga at puwedenng-puwede raw sa showbiz ang binata nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales- Muhlach.

May nagsabi pa ngang kamukha niya si Andrew Garfield, may nag-comment naman na look alike siya ni Marc Nelson.

May mga kinilig na sa kanya at nangako pa na kapag naging regular sa EB si Andres, EB na ang kanyang panonoorin.

May mga nakiusap naman na ‘wag naman ipareha kay Ryzza Mae Dizon si Andres kahit katuwaan lang dahil naba-bash lang daw si Ryzza.

Kahit crush at kinikilig si Ryzza kay Andres, sana raw hindi sakyan ng EB at gawin silang love team.

May mga pala desisyon namang nag-comment na sana sa basketball na lang mag-focus si Andres dahil sayang ang height niya.

Sa mga ganitong comments, malalaman mong marami ang interesado kay Andres at kapag pinasok na nito ng tuluyan ang showbis, mabilis siyang sisikat, lalo na kung marunong umarte.

Dapat din daw marunong siyang magsalita ng straight Tagalog para mas mabilis siyang sumikat.

vuukle comment

ACTRESS

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with