^

PSN Showbiz

Sunshine, walang pake kahit inapi ang pangalan sa billing

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, walang pake kahit inapi ang pangalan sa billing
Sunshine Dizon

Para kay Sunshine Dizon, hindi isyu ang billing sa isang pelikula.

Kapansin-pansin kasi kung saan inilagay ang pangalan niya sa billing ng pelikulang Sunny na magbubukas na ngayong araw sa mga sinehan.

Sa poster ng naturang pelikula ay nasa itaas sina Vina Morales at Angelu de Leon na nasa ibaba nila ay ang younger counterpart nilang sina Heaven Peralejo at Bea Binene.

Third line na lang na mas maliit na percentage ang font ng pangalan ni Sunshine, kahilera sina Candy Pangilinan, Ana Roces, Katya Santos at Tanya Garcia.

Pero para sa aktres, hindi raw isyu sa kanya ang billing.

Tinanong ko siya kung support ba ang role niya sa pelikulang ito.

Aniya, “There’s no support. Kasi ano po ‘yun e… the story starts with the kids, when they grew up you know, may edad na siya.

“I don’t think support is the right word.”

Pero iginiit ko pa rin na dapat ay nasa itaas naman ang pangalan niya.

“Sorry ha? I’ve been in this business for so long. Small things of billing, I don’t care about it anymore,” pakli niya.

“As long as… I know I did my job properly and I have a good story, and I mean it, I’m fine with that.

“Napakababaw po ng billing, my God! Hindi po dapat maging issue ‘yan.

“Siguro kung may issue ka, insecure ka,” diretsahan niyang sagot sa amin nang nakatsikahan namin sa premiere night ng naturang pelikula na na ginanap sa SM North EDSA nung nakaraang Lunes.

“Honestly, I haven’t even seen the poster. Hindi e. I’m already 40. I’m turning 41 this July, and those little shitty things, I don’t want to be bothered by those things. Hindi ko na kailangang problemahin ‘yan, right?

“And I guess, I’ve been proven enough already and I dedicated you know more than half of my life in this industry to bother about little thing about billing.

“Parang ano lang yan ‘di ba? They say, there are no small roles, right?” dagdag niyang pahayag.

Hango sa isang Korean film nung 2011 itong Sunny na ganun din ang title.

Barkada movie na ang maganda rito ay nag-reunion talaga sila na mga produkto ng Viva Films.

Samantala, dumating din ang ibang stars na sina Heaven Peralejo, Angelu de Leon, Katya Santos, Bea Binene, at mga Viva artists na sina Aubrey Caraan, Abby Bautista, Ashtine Olviga, Ashley Diaz at Heart Ryan sa nasabing premiere night

Anne, absent agad

As expected, ang dami ngang nag-abang ng guesting ng It’s Showtime hosts sa Family Feud nung Lunes, April 8.

Pinaaga ang airing nito dahil medyo napahaba dahil ang hirap daw i-edit ang mga masasayang tagpo sa naturang game show.

Umabot ng 35 minutes ang body nito sa telebisyon, pero sa YouTube ay naging 45 minutes.

Ang saya naman kasi nila, lalo na ‘yung nag-ookrayan silang lahat.

Kaya naman sa live streaming pa lang nito na usually ay mataas na ang 100K views, itong episode nung Lunes ay talagang sobrang taas ng viewers.

Bago raw nag-9 ng gabi ay umabot na ng isang milyong views, at ‘yung extended version nito sa sa YouTube na nakalagay pa roon ay viewable worldwide, mahigit 1.5M views na.

Nag-trending pa ito sa X nung araw na iyun ang hashtag na #FeudItsShowtime at #ViceGandaOnFamilyFeud.

Hindi lang namin nakuha ang ratings nito kahapon dahil sa holiday, pero inaasahan nang mataas ito.

Samantala, marami ang nakapansin na televiewers na pagkatapos ng pasabog na Sanib Puwersa episode ng It’s Showtime sa GMA 7 nung Sabado, absent na agad si Anne Curtis sa naturang noontime show nung Lunes.

Nung Linggo raw ay nasa Coron, Palawan na siya para dumalo sa wedding ni Lauren Uy at Miggy Cruz.

Si Vice Ganda naman ay tinapos lang ang Expecially For You, tapos umalis na raw siya patungong Coron, para humabol sa wedding.

vuukle comment

ACTRESS

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with