^

PSN Showbiz

Concert ni James Taylor, discounted lahat ang mga nanood

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Concert ni James Taylor, discounted lahat ang mga nanood
James Taylor

Winner ang James Taylor concert sa MOA Arena. Namataan ang maraming musikero at performers na sina Boots Anson-Rodrigo, Jessica Soho, Michael V, Cesar Montano, Bayang Barrios, Paolo Santos, The Company at marami pang iba na maliban kay James Taylor ay ang rave rin sa mashup ng Pagdating Ng Panahon ni Ice Seguerra at Kanlungan ni Noel Cabangon.

Maganda ang sinabi ni Direk Jeffrey Jeturian, kung ang Gen Z ay may Swift, ang Gen X may James.

Pero totoo ba ito? Mukhang joke naman ang sinabi ni Direk na, “Sold-out ang tickets sa concert ni James Taylor sa MOA Arena pero hindi kumita. Puro senior discount.” LOL

Derrick, napansin sa Showtime

In fairness, nakakaaliw at parang nare-rediscover ang GMA 7 talents sa It’s Showtime tulad na lang ng nangyari kay Derrick Monasterio kahapon.

‘Di ba’t ang tagal-tagal nang alam ng tao na magaling siyang kumanta at sumayaw, at dahil sa exposure niya sa show na-highlight pa ito lalo.

Isang hamon ito sa All-Out Sundays at TikToClock at sa iba pang variety show na in house sa Siete, ‘di ba?

Game na!

Lovi, bibida sa GP

Magsasama sina Lovi Poe , JM de Guzman and Jameson Blake sa project na Guilty Pleasure to be directed by Connie Macatuno.

Very good na may tinatanggap pa ring assignment sa Pinas si Lovi kahit na busy siya sa kanyang foreign commitments.

Ano na nga ba ang next move sa kanyang Hollywood dream?

At kumusta na ang passion project niya with Direk Jerrold Tarog?

Good luck, Lovi!!!

Janus, may patama sa mga naglipatan

Trending si Janus del Prado sa sinabi niyang, “‘Yung mga bumabatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na rin ngayon lol. ‘Kala ko ba hindi loyal ang mga lumipat? #hypocrites”

Sino o sinu-sino kaya ang pinatatamaan ni Janus sa post na ito?

Bakit ikinakabit ito sa panahong nag-GMA na ang It’s Showtime?

Andres, totohanan na ang pagso-showbiz

Magfu-full time ba sa showbiz si Andres Muhlach?

In fairness, charming at may potential siya ha!

May post sa IG Stories ni MJ Marfori na nagte-tape for some project na si Andres, ibig bang sabihin, tigil muna ang plano niyang mag-aral sa Spain?

After his Eat Bulaga exposure, heto’t may taping siya at meron pa nga pala silang project bilang mag-anak.

Ready na ba sa pangmatagalang showbiz projects si Andres?

Totohanan na ba ito at hindi na subok lang?

Go, go go Andres Muhlach!!!

Nakakata-quote:

“I think malapit na. Gusto ko talaga ng maraming anak. Kung kaya ko lang talaga nang sabay sabay. Nanghihingi na nga ng pangalawa (si Luis Manzano) ngayon.” – Jessy Mendiola

vuukle comment

ARTIST

JAMES TAYLOR

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with