^

PSN Showbiz

Herlene sinadyang ipasilip ang kanyang ‘flower’!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Herlene sinadyang ipasilip ang kanyang �flower�!
Herlene Budol

Nagulantang ang mga netizens kahapon ng umaga, dahil bumulaga sa kanila ang kumakalat na video ni Herlene Budol na kuha sa kanyang IG live na naka-high cut na manipis na panty at nasilip ang kanyang ‘flower.’

Lunes ng madaling araw ay nag-IG live pala itong si Herlene  habang kumakain.

Pagkatapos niyang kumain ay tumayo siya na mukhang papunta sa CR dahil may binanggit siya tungkol sa pagbabawas.

Pero nakalimutan ng Kapuso comedienne na naka-panty lang ito na halos aninag ang kanyang harapan.

Biglang nagtawanan ang mga kasamahan niya, at kaagad siyang bumalik.

Tinanong niya ang mga kasama niya kung nakita ba ang bandang baba niya.

Sinilip pa niya ang harapan at tinanong pa ang mga viewers ng; “Nakita ba guys?”

Tinapos na lang ni Herlene ang IG live niya, nagba-bye na siya. Ang duda ng ilan ay baka sinadya ito ni Herlene para mapag-usapan na naman siya.

Pero mukhang hindi naman, dahil kitang-kita sa mukha niyang natakot siya.

Ang last na isyung kinasangkutan niya ay iyung kay Rob Gomez na nag-surface ang chat nila, at nagmarka sa mga netizen ang “kain kiffy” sa kanilang chat.

Ngayon naman ay “hello kiffy” na naman daw!

Sabi naman ng ilang netizens, at least sinusunod daw ni Herlene ang sina-suggest ni Cong, Janet Guarin ng Iloilo City na puwede nang hindi mag-underwear ang mga kababaihan kung nasa bahay lang sila. Dahil sa sobrang init ng panahon, mas mabuting huwag na lang daw magsuot ng panty ang girls.

Imelda, uupo sa PCSO?!

Suportado ng pamilya Marcos at Romualdez ang premiere night ng pelikulang Imelda Papin: The Untold Story na ginanap sa SM MOA nung Linggo.

Ang unang title nito ay Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin. Pero tinanggal na ang Loya­lista para walang political connotation.

Pero hindi maiwasan ang political color dahil tumatalakay ito sa pagiging loyal ni Imelda sa pamilya Marcos, lalo na nung tumira na sila sa Hawaii.

“Hindi po ito pulitika,” bulalas ni Imelda Papin.

“We did not do this to create division or mag-away-away ang Filipinos. No! Ito po ay buhay ni Imelda Papin.

“Gusto ko pong ilabas dito kung paano po tayo maging loyal sa Diyos. Maging loyal sa sarili natin. Maging loyal sa ating pamilya, sa ating kaibigan lalo na pag lugmok ng isang kaibigan. Kung paano mo siya yayakapin. Iyun po ang ginawa ng Imelda Papin,” dagdag niyang pahayag.

Ang isa sa nagulat kami ay iyung usap-usapang siya raw ang kukuning chairperson ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.

Natawa si Imelda, pero wala siyang kinumpirma. “Umuugong po ang balita na ako po’y ilalagay sa PCSO. Pero, may nagsabi po kasi sa akin na hintay hintay ka lang,” natatawa niyang pahayag.

“Kung ako po’t mailalagay sa PCSO, e di salamat sa Diyos makakatulong ako lalo sa mga nangangailangan. Maghintay lang daw nang konti,” natatawa pa niya uling pahayag.

Nagpasalamat na lang si Imelda sa all-out na suporta sa pelikula niya.

Wala pa naman itong final na playdate, pero ang dami pa nitong iniikot na mga special screening.

vuukle comment

ACTRESS

HERLENE BUDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with