^

PSN Showbiz

Mark, sumablay sa theme song ng GMA!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hanggang kahapon ay nangunguna pa rin sa trending ang hashtag na #ShowtimeSanibPuwersa dahil sa bonggang pasabog ng mga taga-It’s Showtime sa GMA 7.

History nga raw ito at hindi mo akalaing mangyayari ang It’s Showtime ay eere sa Channel 7 at may logo ng GMA 7 sa ating telebisyon.

Sino ba ang makapag-isip na mangyayari ‘yun? Kaya talagang pinag-usapan sa social media.

Bukod sa mga bonggang production numbers, pati ang spoken word na speech ni Vice Ganda sa kanyang birthday segment, nakilala at kaagad na nag-trending ang sporty lawyer ng Lapu-Lapu City, Cebu na si Oliver Moeller.

Ang guwapo at ang ganda ng katawan ni Oliver na isa sa sa mga tatlong contestants sa segment nilang Expecially For You, na kung saan ang special guest nilang searcher ay si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, kasama ang ina niyang si Melanie Marquez.

Kuwela ang segment na ‘yun at sa simula pa lang ay lutang na lutang na itong si Oliver dahil sa mala-Piolo Pascual na looks at sa kanyang pagsagot.

Kaagad na ni-research ng netizens si Oliver kaya nag-trending ito sa X at pati si Piolo Pascual na kino-compare nila sa guwapong aktor.

Bagay naman silang dalawa, kaya sana mapunta sa magandang relasyon ang pagkakilala nila sa It’s Showtime.

Bukod pa sa pag-trending ng abogadong si Oliver Moeller, pinag-usapan din at inabot ng kantiyaw si Mark Bautista na umabot sa jackpot ng game nilang Karaokids.

Mga Kapuso star na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Jhake Vargas, Chanty Videla, Glaiza de Castro, Nadine Samonte, Mikee Quintos, Christian Bautista, Mark Bautista si Jillian Ward ang naglaro sa segment na ‘yun.

Si Mark Bautista ang umabot sa jackpot, pero hindi nito nahulaan ang theme song ng GMA 7.

Katakut-takot na kantiyaw ang inabot ng male balladeer sa X, na 14 years na raw ito sa GMA 7, hindi pa nahulaan ang theme song ng naturang TV network.

Sinabi pa ni Vice Ganda na isa pa sa kumanta ng naturang theme song ay si Ogie Alcasid.

Ginawang biruan na lang ‘yun at hindi naman kailanagang mag-react ng mga taga-GMA 7.

Masaya lang silang lahat at halos lahat ay nagpo-post na history sa Philippine television itong pagsasanib ng Kapamilya at Kapuso network sa isang noontime show.

Abangan natin kung ano ang kinalabasan nito sa ratings, dahil nung araw ding ‘yun ay nag-trending din naman ang Eat Bulaga sa TV5 pero hindi kasinlakas ng sa It’s Showtime.

Samantala, mapapaaga naman ngayong araw ang airing ng Family Feud ni Dingdong Dantes na kung saan maglalaro ang hosts ng It’s Showtime na pangungunahan nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Magsisimula ito ng 5:35 ng hapon at dahil pinahaba ito nang konti.

Julia, lume-level sa sexy stars!

Mukhang si Julia Barretto ang mahigpit na makakatapat ng ilang sexy stars sa pag-endorse ng online gaming.

Parte na ngayon ng Casino Plus si Julia, at siya ang magiging mukha ng isa sa mga popular na game na Color Game.

Thankful si Julia na siya ang napiling bagong mukha nito, dahil alam niyang mas magustuhan ito ng followers niya na posibleng mapanalunan ang jackpot sa P20 pesos lamang na starting bet.

Bukod sa endorsements ng aktres, malapit nang mapanood sa Viu ang series na pinagbidahan nito na The Secret Ingredient kasama ang international actors na sina Sang Heon Lee at Nicholas Saputra.

Kasalukuyang ginagawa naman ni Julia ang reunion movie nila ni Carlo Aquino, ang Hold Me Close na dinidirek ni Jason Paul Laxamana.

Kaabang-abang na rin ang pagbabalik tambalan nila ni Joshua Garcia.

 

vuukle comment

GANDA

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with