^

PSN Showbiz

Darren, nilaglag si Cassy

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala naman palang relasyon sina Darren Espanto at Cassy Legaspi, based ito sa naging sagot ni Darren sa tanong ni Vice Ganda sa It’s Showtime kung may girlfriend ba siya. Isa si Jillian Ward sa guest ng IS noong Sabado at sa KaraoKids segment, partner sina Darren at Jillian.

Habang magkatabi sila, sinabi ni Vice na parang doll si Jillian at bagay sila ni Darren. Kasunod noon, tinanong ni Vice si Jillian kung may boyfriend at “Wala po” ang sagot ng bida ng Abot Kamay na Pangarap.

Sunod na tinanong ni Vice si Darren kung may girlfriend siya? “Wala” ang sagot nito at sinundan ng magandang ngiti. Kasunod noon, tinukso na sila nina Vice at ibang hosts ng IS.

Nagulat ang fans nina Darren at Cassy sa sagot ng singer dahil akala nila in a relationship ang dalawa? Ano raw ‘yung pag-i-escort nito kay Cassy sa GMA Gala at pagiging magka-date nila sa ABS-CBN Ball? Pati ‘yung travel nila sa Japan at California?

May mga na-disappoint na fans kay Darren. Kung hindi sila BF/GF, ano raw ang kanilang relasyon? May gusto tuloy maniwala na mas totoo ang pagkaka-link ni Darren sa isang singer-dancer-actress na isa ring Kapamilya.

Gusto tuloy malaman ng fans ang reaction ni Cassy sa sagot ni Darren na wala siyang girlfriend.

Kim, nirereto sa abogado

Umalma ang ibang KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa pagsi-ship ng solid fans ni Kim kay Oliver Moeller, ang napili ni Michelle Dee sa three searchees sa Expecially For You segment ng It’s Showtime.

Sina Michelle at Oliver dapat ang pinag-uusapan, pero ang nangyari, sina Kim at Oliver ang pinagkaguluhan.

Nagalit na nga ang ibang KimPau fans dahil airing pa raw ang What’s Wrong with Secretary Kim? at Linlang, pero sini-ship na sa iba si Kim.

Disappointed ang ibang KimPau fans, nagpapakahirap daw sila to promote the two series lalo na at dikit ang ratings sa My Guardian Alien, pero sinisira lang ng solid fans ni Kim.

Pati ang photo nina Kim at Oliver, may mga nag-react din. Bakit daw nakadikit si Kim?

Tapos, nakita nila ang post ni Oliver sa Instagram na kumakain after na yata ng IS at magkatabi pa sila. Advantage kay Oliver na taga-Cebu siya at puwede silang mag-usap sa Cebuano ni Kim.

Ang dami na ngang shippers nina Kim at Oliver at kundi raw mag-work sina Oliver at Michelle, si Kim na lang. Mas gusto raw nila ng non-showbiz for Kim after Xian Lim, may kumontra nga lang.

Hindi raw non-showbiz si Atty. Moeller dahil model din siya at nag-cameo raw (hindi sinabi kung sa movie o TV).

Nakakatuwa lang na fans na ni Kim ang naghahanap ng magiging partner niya in real life. Gusto nila ng non-showbiz guy for Kim, ‘yung mayaman, at hindi pa-famous at si Oliver ang nakita nila.

Beauty at Denise, magbabardagulan

Inaabangan na ang mga eksenang bardagulan nina Beauty Gonzalez at Denise Laurel sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Prinsesa ng City Jail. Kasama sa cast si Denise na for a long time ay Kapamilya talent.

Lumipat na rin ng management si Denise, from Star Magic, under Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo.

Nag-storycon na ang series to be directed by Jerry Sineneng at kahit hindi pa alam ng fans ang mga karakter ng series, sigurado na silang may bardagulan scene sina Beauty at Denise.

Sa kanyang post, sabi ni Denise, “A huge Thank you to @popoycaritativo for welcoming me ever so warmly into the Luminary family! We back.”

Magkasama sina Denise at Ayen Laurel sa talent management ni Popoy at baka nga si Ayen pa na wife ng cousin ni Denise na si Franco Laurel ang naging daan para magkakilala sina Denise at Popoy.

vuukle comment

DARREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with