^

PSN Showbiz

Heart, na-low blood!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Heart, na-low blood!
Heart at Chiz
STAR/File

Marami ang nabahala kay Sen. Chiz Escudero dahil sa kumalat na na-stroke raw ang senador at nasa hospital.

May ilang blogs na naglabas ng blind item na obvious namang si Sen. Chiz ang tinutukoy.

Kaya nagtanung-tanong kami, at nung Huwebes ng gabi ay iisa ang sagot sa aming nakalabas na raw ng hospital. Okay na raw si Sen. Chiz at wala nang dapat ipag-alala.

Pero nung araw ding ‘yun ay may IG live si Heart Evangelista na mukhang hindi siya okay at napapaiyak na ito. Hindi ko na naabutan ang IG live, at parang nai-delete na rin niya agad.

Pero ayon sa kuwento sa amin ng ilang nakapanood sa maikling IG live na ‘yun, umiiyak daw si Heart at meron pa raw siyang sinabing huwag daw sanang gawing palengke ang Fashion Week.

Mukhang may kinalaman ito sa isyu niya kay Pia Wurtzbach.

Pero sabi naman ng ilang taong malapit sa mag-asawa, hindi na raw pinag-iintindi ni Heart ang mga ganung intrigahan.

Nag-break lang daw siya sandali sa social media ng ilang araw dahil kailangan daw niyang magpahinga at dapat na maagang matulog dahil sa pinaghahandaan nito ang kanyang general checkup.

“Walang sakit si ganda! Nagpa-general checkup lang siya kahapon.

“Yearly niya talaga dapat ginagawa ‘yun. Pero halos two years na niya hindi nagawa kasi sobrang busy,” text sa amin ng reliable source na malapit kina Heart at Sen. Chiz.

Kahapon ay nag-IG live uli si Heart na kalalabas lang daw ng hospital dahil katatapos lang ng kanyang general checkup.

Ganundin daw si Sen. Chiz, pero iba raw ang ginawa sa kanya dahil sa kanyang edad, at kailangan daw niyang ma-check up nang mabuti dahil iniiwasan daw nitong magka-Cancer. Nasa lahi raw kasi ng Senador ang Cancer. Kaya nag-iingat lang daw ito.

Nag-hello pa nga raw si Sen. Chiz dun sa IG live ni Heart habang nagpapagupit ang Senador.

Pinayuhan lang daw ng doktor si Heart na kailangan niyang magpahinga dahil sa low blood ito.

Wala raw dapat ipag-alala sa mag-asawa, dahil okay na okay raw sila.

Sparkle Stars, sinalubong ng negative 1

Sobrang lamig na may temperaturang –1 ang sumalubong sa Sparkle stars na dumating sa Calgary, Canada nung kamakalawa lang.

Kaabang-abang itong world tour ng Sparkle stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Ruru Madrid at Bianca Umali, sina Barbie Forteza at David Licauco.

Sa Canada ang kick-off nito na tinaguriang Sparkle Goes to Canada.

Sisimulan ito sa Southview Alliance Church, sa Calgary, Canada sa April 5 at ang kasunod ay sa Toronto Pavilion sa Toronto sa April 7.

First time silang ididirek ni Mr. Johnny Manahan, kaya excited silang lahat.

At kahit sobra ang lamig doon, mahigpit naman ang yakapan ng magkasintahang Ruru at Bianca, pati sina Rayver at Julie Anne na namasyal agad doon.

Wala namang malisya kung yumakap si David kay Barbie, ‘di ba?

Magkakasama silang namasyal sa BANFF National Park at sa Lake Louise.

 

 

Sa mga interesadong bumili ng tickets, puwede silang mag-inquire kina Vangie Fons na may numerong 587 834 1820, Beth Malcom sa 416 731 4772 o kay Candace David 416 825 5750.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with